Ang pagiging selfish ay nakakabigat sa ating buhay. Hindi lang tayo ang apektado sa selfishness natin, pati na rin ang mga tao sa paligid natin. Nasasaktan sila ng hindi natin namamalayan.
Pero bago ang lahat, dapat ma-identify mo muna kung kabilang ka na nga ba sa “Makasarili Club”.
Here are some signs para malaman mo kung ikaw nga ba ay makasarili club member. Unang una, kung ikaw ay may …
“ME FIRST” MENTALITY
Kung sumasakit ang kalooban ang isang tao, na NAUUNA yung kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili, sign na yan ng selfishness.
If the decision is ALWAYS based on what will BENEFIT THEM kaysa ikabubuti ng nakararami, then mas maliwanag pa sa sikat ng araw na ang laman ng puso’t isipan mo siya walang iba kundi ang kanyang SARILI.
Kung ang mindset niya ay, “Kapag ‘di ko ‘to gagawin, ako ang kawawa”, Wala siyang care kahit maapakan niya ang iba along the way, then walang duda na makasarili siya!
Maliban dun, kung ang tao din ay isang …
CONTROL FREAK
Yung tipong para siyang MABABALIW kapag hindi niya ma-control ang mga nangyayari sa kanyang pailigid.
Tapos gusto niya pa na UMAYON lahat sa plano niya o at walang dapat ibang masunod kundi siya lang.
Kahit ano pang i-suggest ng mga tao sa paligid mo, ang sagot mo palagi ay, “No, my ideas are the best!”
Naks, siya na!
ALWAYS A TAKER
Yung gusto niya, parati nasa receiving end siya. Lagi na para bang may ALLERGY kapg siya naman ang nahihingan.
Tila NANINIKIP ANG DIBDIB at NAHIHIRAPAN HUMINGA niya, tuwing iisipin niya na siya ay ang magbibigay.
Ito ay ilan sa mga signs of a selfish person.
At kung tumagos sa puso mo ang mga katotohanang ito, I suggest that you ACKNOWLEDGE this. Don’t deny it. The first step para makaalis tayo sa makasarili club ay ang pag-admit na tayo nga ay kabilang dito.
After that, I suggest that you follow the following steps para tuluyang maiwasan ang pagiging selfish.
DEVELOP A NEW ATTITUDE AND MINDSET
Kung dati puro kapakanan lang natin ang ating iniisip, ngayon baguhin natin at ito palagi ang isipin natin: “Paano naman ang ibang tao?”
In every decision we make, ask this question, “HOW CAN OTHERS BENEFIT FROM THIS DECISION I AM GOING TO MAKE?”
LET GO
Tanggapin natin na HINDI SA LAHAT NG ORAS ay TAMA TAYO O KONTROLADO natin ang bawat mangyayari. Tao lang po! No one can control and tell the future, only God. May limitation tayong lahat!
Magparaya din tayo pa minsan-minsan sa mga gusto natin. Let go of our ideas IN EXCHANGE of other people’s suggestions. Realize and acknowledge na lahat tayo ay binigyan ng kakayahan na mag-isip ng ideas, hindi lang tayo.
PRACTICE GIVING
Kahit gaano pa kahirap, PILITIN naman natin na tayo naman ang magbigay. Sa umpisa lang naman masakit, masasanay din tayo.
Kaya nga, “Practice makes permanent.”
Mag-practice na isipin yung iba bago ang sarili.
Mag-practice na paano mapapaligaya ang iba bago ang sarili.
Mag-practice na mapagbigay.
And if you want to be the NEW SELFLESS YOU, practice lang ng practice!
THINK. REFLECT. APPLY.
Sa tingin mo, selfish ka ba?
Kung oo, paano mo nasabi ito?
Paano mo maiiwasan ang pagiging selfish?
ANG PINAKAMALUNGKOT NA TAO SA MUNDO AY YUNG MGA TAONG WALANG INIISIP KUNDI ANG KANILANG SARILI.
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check out these related articles on selfishness:
- MAHIRAP KASAMA ANG MGA SELFISH
- Bakit Ayaw Natin Magbigayan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.