ANO ANG GAGAWIN KO KUNG MAY NANINIRA SA AKIN?
Mabait kapag kaharap mo, pero kapag nakatalikod ka kung ano-ano na ang sinasabi against you.
Nananahimik ka, pero ginagawan ka ng issue at kwento.
Binabaliktad ka at pinapalabas na ikaw ang mali at may kasalanan.
Ayaw kang tigilan at walang ibang ginawa kundi hanapan ka ng pagkakamali.
Sadyang may mga taong mapanirang puri, parang mga anay na unti-unting sisirain ang buhay mo ng hindi mo namamalayan. Kapag hindi mo inagapan ang anay, kakalat ito sa buong bahay at tuluyan nilang sisirain ito.
Ano nga ba ang maaari nating gawin o patama sa mga taong naninira sa atin?
When I say naninira, ang ibig sabihin ay walang katotohanan ang mga sinasabi nila against you. Talagang gusto ka lang nilang siraan. Ito ang ilan sa mga maaari nating gawin:
IGNORE THEM
Minsan itong mga taong naninira sa atin ay wala lang magawa o di kaya’y kulang lang sa pansin. The more na papatulan mo sila, lalo silang mag-eenjoy sa ginagawa nila. Kaya sometimes the best thing to do is to just ignore them. Mapapagod din sila. Lalo na kung talagang wala namang basehan at katotohanan ang mga paratang nila against you. Don’t give them the pleasure of annoying you. Huwag mo ipakita na naiinis ka. Ngiti ka lang! Kapag sinigawan ka, magpakumbaba ka, mahinahon kang sumagot at huwag mo nang bigyan ng panahon ang mga taong alam mong mga NEGA.
CONFRONT THEM
Kapag masyado ng damaging ang paninira nila then it’s time to confront them, pero in a peaceful manner. Walang hindi naaayos sa masinsinan at mapayapang usapan. Isa pa, kapag kinausap mo sila ng maayos, malalaman nila at maiintindihan pa kung bakit hindi tama ang ginagawa nila. Magsama ka ng isang kaibigan na pwedeng maging saksi o tagapamagitan sa inyo.
EVALUATE YOURSELF
Sit down and reflect. Alamin mo kung ito ba ay paninira lamang o may katotohanan. Kumustahin natin ang ating character at ugali natin. Kumusta ang mga salitang lumalabas sa mga bibig natin. Paano ba tayo makitungo sa mga tao sa paligid natin?
Are we kind?
Are we gracious?
Are we sensitive?
Ilan lang ito sa mga tanong na dapat natin itanong sa ating mga sarili.
Higit sa lahat, ang pinakamainam na gawin sa mga taong naninira sa atin ay ang ipanalangin sila. Ipasa-DIYOS natin sila. Maging mabuti pa rin tayo sa kanila. Love those who hate you. Kumbaga e, ‘kill them with love’. Sigurado akong may magiging effect ito sa kanila. Hayaan nalang natin ang Diyos ang lumaban para sa atin. Let go and let GOD.
THINK. REFLECT. APPLY
May naninira ba sa’yo ngayon?
Anong step na ang ginawa mo to deal with them?
Have you prayed for those who curse you?
Did this article help you? Here are some more related topics that may interest you as well:
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.