Ikaw ba ay isang mapagbigay na tao?
Madalas mo bang iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa iyong sarili?
Masasabi mo ba na generous ka na tao?
Pero bago tayo maging generous to others, let us also check our heart kung ano ang MOTIBO natin?
Tayo ba ay nagiging mapagbigay PARA…
Mapansin?
Sumikat?
Makilala?
Paano mo malalaman kung ikaw ay isang tunay na GENEROUS na tao?
Some ways to determine if you are a generous person is when you…
HELP AND GIVE TO PEOPLE YOU DO NOT KNOW
Kapag may nakita kang bata na nagtitinda ng mani o sampaguita, bibili ka ng paninda niya, hindi lamang dahil sa gusto mo ng tinitinda niya kundi gusto mo siyang matulungan.
Gusto mo siyang matulungan na maubos ang mga paninda niya para hindi na siya gabihin sa daan at makauwi na sa kanyang tahanan.
At sa iba namang namamalimos, imbis na pera ang iyong ini-aabot na tulong, binibilhan mo na lang ng kahit na anong makakain para siguradong makakakain siya at hindi mapupunta sa kung saan ang pera.
Aside from that, you also…
HELP AND GIVE TO PEOPLE WHO CANNOT PAY YOU IN RETURN
Kahit alam mo na walang kakayanan na mabayaran ka ng taong nanghihiram sa’yo ng pera, magpapahiramin ka pa din at iniisip mo na bigay yun at hindi pagkakautang.
Kapag siya ay nagbayad, hindi mo ito tatanggapin dahil yun na ang tulong mo sa kanya. Hindi ka na naghihintay ng kapalit dahil mas concerned ka sa pangangailangan ng taong yun.
Another sign that you are a generous person is that you …
HELP AND GIVE TO PEOPLE WHO ARE SERVING GOD
Nagtatabi ka ng specific amount kada payday para regularly kang makatulong sa mga taong nagsisilbi sa Diyos gaya ng mga misyonero at manggagawa sa simbahan.
Maliban sa direct na financial na tulong, inaalam mo din ang kanilang mga personal na pangangailangan at bibilhin mo ito para sa kanila.
Higit sa lahat, naglalaan ka din ng oras para sila ay maipagdasal sa pang araw-araw na kanilang gawain.
Pero para sa akin, ang pinaka importanteng sign ng true generosity is when you are…
GENEROUS TOWARDS GOD.
Dapat matuto tayong maging generous sa Diyos.
How can we be generous towards God?
MATUTO TAYONG MAG-SAULI NG ATING TITHES OR IKAPU.
Kahit ano pa man ang iyong pananampalataya, kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ang Siyang nagbigay ng buhay at pagpapala sa iyo, then dapat din tayo matuto na magpasalamat. Ito po ang itinuro din sa atin ng ating mga magulang. Bilang pasasalamat sa Diyos, ang pag-sauli po ng IKAPU ay isang paraan ng pasasalamat.
MANIWALA KAYO! YOU CAN NEVER OUTGIVE GOD.
Kung ano ang iyong isinauli sa Kanya, ito ay Kanyang ibabalik ng siksik, liglig at umaapaw. Maniwala ka, darating ang isang araw na hindi na magkakasya ang iyong kaban.
THINK. REFLECT. APPLY.
Maluwag ba sa iyong kalooban ang pagbibigay?
Paano ka nakakatulong sa iyong kapwa?
Naipaparamdam mo din ba sa Diyos ang iyong generosity?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you willing to use your life to bless others? You can also check on these related posts on being generous:
- Are You A Generous Giver?
- IT’S BETTER TO GIVE THAN TO RECEIVE
- DO YOU WANT TO BE PROSPEROUS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.