Alam ko lahat tayo ay gustong maging matagumpay.
Wala naman taong nangangarap at nagpaplano na mabigo, diba?
Ang laki ng mga pangarap pero mas lalong lumalayo sa nais makamtan.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit natin hindi nakakamit ang tagumpay?
Isang dahilan ay …
HINDI MALINAW ANG LAYUNIN
For us to be successful, kailangan malinaw kung ano ang goal natin. This is a MAJOR FACTOR para malaman natin kung ano ang mga tamang diskarte.
Kahit na gaano kasi tayo ka-BUSY kung hindi naman natin alam ang gusto natin marating ay mahihirapan talaga tayo na maging successful sa ating mga ginagawa.
At dahil hindi malinaw ang ating goal …
WALANG MAAYOS NA PLANO
Kung ang goal ay destination natin, ang plano naman ay ating MAPA.
Ganito lang yan. Kung may gusto tayong puntahan na lugar, ire-RESEARCH muna natin kung paano pumunta doon using Google map, Waze, o kaya naman ay magtatanong tayo sa mga kakilala natin na familiar dun sa lugar.
Ganun din dapat sa goal natin, PAG-ARALAN muna natin mabuti kung paano makakamit yun. Remember, if we fail to plan, we plan to fail.
Another possible reason is …
WALANG GINAGAWA
Puro DAYDREAMING at PAGSUSULAT NG PLANO lang ang ginagawa, pero after that ay wala nang FOLLOW THROUGH.
Gaano man kalinaw ang goals natin at kaplantsado ang mga plano, balewala ang mga ito kung hindi tayo KIKILOS.
We have to TAKE ACTION for us to move towards our goals and ambitions.
Kaya din minsan ay walang ginagawa ay dahil …
KULANG SA TIYAGA
Iniisip pa lang ang mga PROSESO na kailangan pagdaanan, NAPAPAGOD na agad agad.
Minsan kung kailan naman malapit na sa finish line, hindi pa magawang pagtiisan ang natitirang butas ng karayom at mag-gi-GIVE UP na lang.
Possible din na kaya mabilis mag-give up ay dahil …
HINDI MATINDI ANG PAGNANAIS
Minsan yung goal natin na-INFLUENCE ng mga tao sa paligid natin at hindi naman talaga natin gusto.
Maaaring nadala lang tayo dahil sa PEER PRESSURE at naisangtabi ang tunay na pangarap.
Kaya importante na ang goal natin ay kung ano talaga ang gusto natin sa buhay dahil SARILI naman natin ang dadaan sa butas ng karayom para makamit ito at hindi ang ibang tao.
Maliban dyan, mabilis din mag-give up dahil …
KULANG SA TIWALA SA SARILI
Kapag ang TINATAK natin sa ating isipan ay ang katagang, “Hindi ko kaya”, hindi talaga natin kakayanin.
Malinaw man ang gusto nating marating at maayos ang ating plano, DO-DOBLE ANG HIRAP na maisakatuparan ito kung wala tayong TIWALA SA SARILI.
Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi nagtatagumpay. Sana maiwasan natin ang mga ito and let’s be successful in life!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, sa mga nasabi ko, ano kaya ang hindi mo pa nagagawa o ginagawa?
Malinaw ba ang iyong goal at maayos ang iyong plano to achieve it?
Are you hardworking enough to put your plans into action?
Bilib ka ba sa iyong sarili na makakamit mo ang iyong pangarap?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to achieve your own success? You can also check on these related articles:
- 3 Things You Need To Say To Yourself Daily To Become Successful
- 3 THINGS YOU NEED TO CREATE TO HAVE A SUCCESSFUL 2017
- 3 THOUGHTS THAT SABOTAGE YOUR SUCCESS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.