Ang hirap mag-move on, kapag…
Ikaw ay namatayan ng isang mahal mo sa buhay.
Ikaw ay nakipag-break sa akala mong ‘The One.’
Nang dahil diyan, hindi ka makakain, hindi ka makatulog, hindi ka maka-concentrate, at wala ka ng ginawa kundi umiyak at magmukmok sa tabi?
Maaring may nag-payo sa iyo nang “past is past”. Madaling sabihin pero napakahirap limutin. Paulit-ulit man, pero totoo dahil kahit ano pa ang gawin natin, naalala mo pa rin ang masakit na alaala.
Kapatid, masakit at mahirap ito pero kailangang gumawa tayo ng paraan para makawala sa bigat ng dibdib na nararamdaman natin. Kung hindi natin ito gagawin, masasayang lang yung bawat araw na lumilipas to make yourself a better person than you were yesterday.
Ano ba ang kailangan gawin para mas mapadali ang pag-move on?
1. DON’T KEEP ON BLAMING OTHERS FOR THE HURT
Nandun na tayo, nasaktan ka dahil sa nagawa sa iyo ng ibang tao, pero hindi pwedeng habangbuhay mo isisisi sa kanya o sa kanila ito dahil kung ganon, lagi kang magkakadahilan para maging miserable.
Don’t make this as an excuse to nurse your pain and grievances. Tulungan mo ang sarili mo na gumaling. Huwag mo iasa ito sa kanila dahil nasa iyo ang kasagutan.
2. BE FIRM ON YOUR DECISION TO LET GO
You cannot let go or move on if you don’t make a commitment to actually do it. Start by saying: “magmo-move on na ako, lalabanan ko ito!”— and stick to it! Kapag seryoso ka sa desisyon na ito, everything else will follow.
Being firm on your decision means avoiding a negative thought or not letting a past scene play inside your head over and over again. Ikaw na mismo ang iiwas at magiisip ng pwedeng gawin para ma-divert ang attention mo.
3. EXPRESS YOUR PAIN
Huwag mo sarilihin ang problema mo at papasukin mo ang ibang tao sa mundo mo. Nandiyan ang pamilya mo at mga kaibigan para makinig sa’yo at tulungan kang pasanin ito para mas gumaan.
Kung hindi ka naman masyadong kumportable pa na ikuwento ang nararamdaman mo, why not write it down on your diary or personal journal so you can vent it out. During this process, take this time also to think about what changed in you over the past few days or months, and how are you planning to get back to your old self na nawala nung mga oras na nasasaktan ka.
4. FOCUS ON THE ‘NOW’
Tayo kasi minsan, ang hilig hilig natin mag-overthink, kaya lalo tayo nahihirapan. Tulad nga ng tinutumbok ng pelikulang Second Chance, focus on the “what is” and not on the “what if’s”.
Kung parati mong pagtutuunan ng pansin ang nakaraan, it will be hard for you to appreciate what’s in front of you. Huwag mong hayaang mawala pa ito sa iyo.
For example: “Okay na ako, at least alam ko namang nandito para sa akin ang pamilya ko. Yun ang importante”
5. FORGIVE THEM, AND YOURSELF
Forgiving people who have hurt you is not a sign of weakness. Hindi rin naman nito sinasabi na tama sila, kundi paraan lang ito to get you off the hook. You cannot start a new kung meron ka pang poot sa dibdib mo. Forgive and pray for them.
At ikaw naman, kung may nagawa ka ding kamalian that contributed to what you’re feeling right now, huwag mo din kalimutang patawarin ang sarili mo. Keep in mind that you have today to make up for it.
THINK. REFLECT. APPLY
Anong mga bagay ang nangyari sa’yo na nagiging dahilan kaya hindi ka maka-move on?
Bakit nahihirapan ka mag-move on?
Paano mo tutulungan ang sarili mo para makawala ka dito?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article bring light to you? You can also look through these related articles as well:
- HOW TO MOVE ON FROM A LOSS
- 3 Tips Para Makapag-Move On
- ANG HIRAP MAG MOVE-ON!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.