Ang mag-ipon ay…di biro, para lang itong pagsasaka.
Maghapon kumakayod pero pag labas ng sweldo, kapos pa rin.
Gusto ko na talaga mag simula magiging isang Iponaryo pero sa hirap ng buhay ngayon, parang ang hirap-hirap na talaga mag-ipon. Ang hirap mong pag-tatrabahuhan ang pera mo tapos pag araw na ng sweldo, dumadaan lang ito sa mga kamay mo at naglalahong parang bula. Walang natitira, simot lahat.
Yes, aminin na natin na mahirap talaga mag-ipon ng pera, pero diba nga may kasabihan tayo, ???If there’s a will, there’s a way.
Napakaraming mga dahilan kung bakit may mga taong hindi makapag-ipon, at ito ang ilan sa mga iyon:
MARAMI AKONG GASTUSIN
“How am I to save money on electricity?
“How am I to save money for a car?”
“How am I to save money on groceries?”
Simple lang ang solusyon dito. Bawasan mo ang gastusin mo. Sit down and list your priorities. Identify your needs from wants. Ano-ano lang ba ang dapat mo talagang pagka-gastusan? Avoid impulsive buying. Think before you spend. If you will prioritize saving, it will have a long-term benefit na siguradong hindi mo pagsisisihan.
HINDI NASANAY MAG-IPON
“I tried… but I’m not a money saving expert!”
Mahirap talaga aralin ang isang habit na hindi mo nakasanayan at nakalakihan. Pero wala din mahirap sa taong pursigido at determinado. If you really want to be financially well, you need to start learning new good habits and unlearn bad habits. Kung hindi mo man nakasanayan ang pag-iipon, hindi pa huli ang lahat. Isipin mo nalang ang magiging magandang effect nito sa buhay mo.
KULANG ANG SWELDO O KITA
Pataas ng pataas ang mga bilihin, palaki ng palaki ang expenses, habang ang mga sahod at kita natin ay stagnant. Paano nga naman tayo makakapag-ipon kung sa basic needs palang eh hindi na kasya at kulang na ang sweldo mo?
Actually, wala sa laki o liit ng sahod yan. Hindi nakasalalay dun ang kakayanan nating mag-ipon. Kung makikita mo lang ang big picture, ma re-realize mong napaka-daming magandang benefits ang pag iipon. Kaya kahit maliit o kulang ang kita, pwede ka parin mag-ipon kung gugustuhin mo. Hindi kailangang malaki, kahit maliit na halaga lang ay pwede. Ang mahalaga, kahit papaano ay may naitatabi ka.
LUBOG AKO SA UTANG
Mahirap nga namang mag ipon kung hindi ka magkanda-ugaga sa sangkatutak mong utang! Itigil mo na ang pag utang at sikapin mong mabayaran na ang lahat ng pagkakautang mo at tsaka ka magsimulang mag ipon.
WALA NANG IBA-BUDGET
To budget is to plan. Kung hindi ka nagba-budget, ibig sabihin hindi ka nagpa-plano. May kasabihan nga tayong “if you fail to plan then you plan to fail”. Imposibleng wala kang budget. Meron yan. Hindi mo lang pina-prioritize. Isama mo sa budget ang pag-iipon at hindi yung kung ano lang ang matira sa pera mo.
HINDI ALAM KUNG PAPAANO MAG-IPON
“What’s the best way to save money?”
Marahil ang iba sa inyo nagtatanong kung paano ba mag-ipon? Napakaraming paraan ang pwede mong subukan. Yung iba nag-iipon sa bangko, yung iba nag-iipon sa pamamagitan ng stocks at iba’t-ibang klaseng investment instruments, habang ang iba naman ay nag-iipon sa alkansya. Kung ano ang mas magwo-work sa iyo ng pamamaraan dun ka. Pwede ka ring sumubok ng iba. Huwag mahiyang magtanong at magpaturo sa mga nakakaalam.
Sa totoo lang, mahirap mag-ipon kasi madami tayong dahilan. Sa dinami-dami ng dahilan para hindi makapag-ipon, napakarami din nating namimiss na benefits at positive effects, hindi lang sa finances natin kundi sa mismong buhay natin. Kaya ibaon na natin sa lupa ang mga dahilan natin at simulan na nating mag-ipon. Saving is a discipline. It???s more than just a habit, it???s a conviction and a commitment.
THINK. REFLECT. APPLY
What is stopping you from saving?
What are your struggles when it comes to saving?
Are you ready to unlearn and learn?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Check on these related articles on how to save money:
- MAY EXTRANG IPON? PALAGUIN NA YAN!
- KAMUSTA ANG 13TH MONTH PAY NA BUNGA NG IYONG PAGHIHIRAP?
- 52-Week Savings Challenge Naging 52-Week Eating Challenge
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.