Feeling mo ba todo effort ka na pero ‘di napapansin ng boss mo at tila nakukulangan pa siya?
O kaya naman inako mo nang lahat ng gawaing bahay, kahit pagod ka na sa opisina, pero wala ka man lang maririnig na “Thank you”?
Malamang, ang bawat isa sa atin ay nakaramdam na ng parang hindi tayo appreciated ng mga taong inaasahan nating magpapahalaga sa atin.
At kapag hindi tayo na-appreciate, pakiramdam tuloy natin na sayang naman yung mga ginagawa natin.
Ang simpleng “SALAMAT” kasi ay nakakawala na ng pagod, kaya kapag wala nito, dumodoble ang pagod, physically at emotionally.
The first thing we need to do kapag naghahanap na tayo ng appreciation from other people is to …
REDIRECT OUR FOCUS
Kapag kasi masyado na tayong nakatuon sa kung ano ang MATATANGGAP natin, malaki ang possibility na ma-disappoint tayo.
Unang una, hindi naman kasi natin hawak ang pag-iisip ng ibang tao para MAIMPLUWENSYAHAN sila sa magiging desisyon nila na aayon sa kagustuhan natin.
Ang tanging MAKOKONTROL natin ay ang ating mga SARILI. Kaya kapag papunta ka na sa direksyon ng paghahanap ng appreciation, huwag ka nang tumuloy sa pagpunta dun. Humanap ka na agad ng pwede malikuan para makabalik ka sa pag-focus sa kung ano ang pwede mong gawin about it.
Kapag tama na ang focus natin, what we can do is to …
ASSESS PEOPLE’S PERSONALITY
Huwag tayo basta basta mag-judge at sabihin na, “Napaka ungrateful naman ng boss ko! I already did my best, but I guess my best wasn’t good enough … Para sa kanya, kulang pa din ang ginawa ko!”
In reality, may mga tao na HINDI VOCAL at parang ang pagsasabi ng kanilang nasa isip ay kasing hirap ng pagsungkit ng mga bituin sa langit.
Akala mo dahil wala man lang “salamat” at kaya may ipinapagawa pa ang boss mo ay dahil kulang pa ang effort mo. Pero yun pala e yun lang ang way na ALAM niya ng pagsasabi ng, “Bilib ako sa trabaho mo kaya ipagkakatiwala ko pa itong ibang mga trabaho sa’yo.”
And when we understand that not all people can easily give verbal encouragement, we can just …
INFLUENCE THEM TO BE APPRECIATIVE
Kung alam mong nahihirapan ang asawa mo maging mapagpahalaga in words, you can start a FAMILY TRADITION that will train your spouse to be more vocal in appreciating things. Appreciate them frequently, the reason why hindi sila appreciate kasi wala rin nagbigay sa kanila.
What you can do is MAG-SHARE kayo ng kahit isang bagay na gusto niyong ipagpasalamat sa bawat isa. Kahit once a week lang muna, para ‘di siya masyadong pressured at makapag-adjust siya.
Pangunahan mo yung activity na yun so you can be a GOOD EXAMPLE. Huwag mong pilitin. Just be an encouragement. It’s a helpful practice para eventually ay maging HABIT na din yun ng asawa mo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Hinahanap-hanap mo ba ang salitang “Salamat” sa trabaho o sa iyong pamilya?
Anong ginagawa mo to continue to be motivated kahit na wala kang natatanggap na appreciation?
Ano ang pwede mong gawin para ma-impluwensyahan ang ibang tao na maging mapagpahalaga?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
===================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these related articles:
- NAG-EENJOY KA BA SA WORK MO?
- MAHAL MO BA ANG WORK MO?
- Baby Steps to Becoming Incredibly Happy: 5-Day Positivity Challenge
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.