Nangyari na ba sayo yung kapag may bago kang gamit, na promote ka, o may magandang nangyari sa iyo ay bigla na lang may magsasabi ng:
“Bigatin ka na ‘pre, ah! Balatuhan mo naman ako para namang wala tayong pinagsamahan”
“Hi, gusto ko sana i-offer products namin. Maganda na tapos siguradong kayang kaya mo yung terms namin. Tara, coffee tayo.”
“Nahihiya ako kasi tagal na nating di naguusap pero baka pwede sanang makautang uli ako sayo. Wala akong malapitan, eh”
“Naks, manager ka na pala, dati rank and file ka lang ah. Baka naman may opening sa inyo!”
Pero ang catch, matagal mo nang di nakikita o nakakausap itong taong ito. Ni hindi mo na nga din halos maalala kung kayo ba ay naging magkaibigan o dati minamata mata lang nila ang iyong kakayanan at hindi pinapansin nung mga panahong walang wala ka.
Ang tawag sa kanila ay “fair-weather friend” o yun bang pana-panahon.
May mga tao talagang matatawag nating ‘kabute’ o yun bang susulpot lang if what happened to you can somehow benefit them. Pero kapag feeling nilang wala silang mapapala, mahihirapan sila, o magiging inconvenient, isinasantabi ka muna o nawawala sila na parang bula.
Ano ba ang signs kung ang tao ay isang fair-weather friend?
1. NANDIYAN LANG KAPAG MAY KAILANGAN
Sabi nga, “A friend in need is a friend indeed”.
Pero para sa isang “fair-weather friend”, they have a different interpretation of this. For them kapag may kailangan lang sila saka lang din sila magiging kaibigan sayo.
Example: Na-promote ka
Mapapansin mo biglang may lalapit lang para magpa libre, mangutang, o di kaya’y purihin ka just so they can establish a conversation para alokin ka ng kung ano-ano.
2. UMIIWAS KAPAG MAY HINDI MAGANDANG NANGYARI SAYO
Kapag may hindi magandang nangyari sayo, halimbawa nung mga time na wala kang pera, nung nanakawan ka, o nawalan ng trabaho, ginagawa mo na lahat para mag-reach out sa kanila, thinking na they’d help you out.
Pero hindi. Hindi niya sinasagot mga text mo, tawag, personal message sa social media, o kung saan man at halatang pinagtataguan ka.
Kapag natyempuhan mo naman, sasabihin lang:
“Di ko nabasa messages mo”
“Busy ako”
“Nagpalit na ako ng number”
3. HINDI MAGANDA ANG TRATO SA IYO PERO BIGLANG NAGING MABAIT
Ito yung mga taong mababa ang tingin sa iyo noon. Lagi kang inaabuso, pinagtatawanan, pinagtitripan, at inaalaska sa lahat ng aspeto. In other words, siya ang isa sa dahilan ng sama ng loob, sa sakit na nararamdaman, o sa pagbaba ng self esteem mo.
Tapos noong may magandang balita na dumating sa buhay mo, bigla naman siyang feeling close na para bang walang nangyari. Siya ang lumalapit at nagpepresenta para lang maging magkaibigan kayo.
Kung may kilala kayong ganito, these tips might be helpful:
ACCEPT THE PERSON AND THE SITUATION.
Kung ito’y isang ugali ng kaibigan mo na kaya mo namang tanggapin at palagpasin, hayaan mo nalang dahil I’m sure, meron at meron pa siyang ibang ugaling maganda na pwede mong bigyan ng pansin.
Try to consider the positive traits and look at the bright side, ika nga, para hindi ka nakatutok lang sa negative characteristic niya.
OBSERVE THE PATTERN FIRST.
Tignan mo muna kung lagi ba siyang ganyan or baka naman may mga instances lang. Huwag mo siya kaagad i-judge dahil maaring meron kang hindi alam kaya siya ganun.
Kasi kung once in a blue moon lang naman, palagpasin mo na lang or kung gusto mo ng peace of mind dahil parati siyang ganon sayo…
TALK TO THE PERSON
Wala namang hindi nareresolba sa pag uusap.
Approach the person and sabihin mo in a nice way kung ano yung nararamdaman mo. While giving the person the benefit of the doubt, you are also being mature and respectful. So now, there’s a possibility that you’d be given the same treatment during the conversation.
Dun mo malalaman ngayon kung ano ang maaring ugat ng kanyang ugali at kung paano kayo pwede makipagtulungan.
LEARN TO SAY NO
Kung talagang ang behavior niya ay nakakasakit na, tigilan mo na ang pagiging ‘go-to’ friend niya and learn how to say no this time.
You’ve done enough kaya give yourself a chance na makatagpo ng taong hindi ka aabusuhin. You deserve someone who’ll always be there for you through your success and failures.
THINK.REFLECT.APPLY.
Ikaw ba ay nakaranas na nito?
Sa tingin mo, bakit kaya siya ganoon sayo?
Ano ang plano mong gawin, tanggapin o bumitaw na lang?
If you have many plans and goals in life but do not know where and how to start. If you want to know more and learn on how you can create a plan and a strategy.
I want to invite you to my very first public meeting on January 16, 2016 (9AM-5PM)
3rd Floor Eastwood
3F, Units 3A-3F, City Walk 2, Eastwood City
READY SET GOAL
“The Power of Goal Getting”
In this session you will learn:
Why do we need a Goal?
Why do we people never reach their Goals?
How can you set Realistic Goals?
How to Identify and Prioritize your Goals?
How to Hit your Financial Goals this 2016?
For more info, please visit https://readysetgoal.info or call this number 0920-949-4975
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related articles:
- How To Handle Jealousy
- How To Handle Confusion
- How To Handle False Accusations
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.