Meron ka bang mga ambisyon sa buhay?
Ikaw pa rin ba ay nangangarap at naniniwala na pwedeng pa itong matupad?
No matter what happens never allow people to steal your dream.
Marami talagang mga kawatan ng ating pangarap.
Gusto mo ba tunay na matupad ang iyong pangarap?
WAG KANG MAG PADIKTA SA KANILA
(Photo from this Link)
Wag kang magpapa dikta kung ano ang sinabi ng matatanda.
“Eh, wala pa naman yumaman sa atin.”
“Bakit? Hindi ba pwedeng ako ang pinakauna?”
WAG KANG MAG-PADALA SA KA-NEGAHAN
(Photo from this Link)
Wag kang magpa-apekto kung ano ang sinabi ng mga nega.
“Eh, wala naman nangyari, bakit hindi ka pa umayaw.”
“Walang nagwawagi sa mga umaayaw!”
WAG KANG TUMINGIN SA MGA BAGAY NA WALA KA
(Photo from this Link)
Huwag kang papapigil kung meroong mga bagay na hindi mo pa nakakamit.
“Eh, wala ka namang pera, paano ka mag-nenegosyo?”
“Kung gusto gagawa ako ng paraan, kung ayaw maraming dahilan.”
Panahon na para ipaglaban ang iyong ambisyon sa buhay.
Walang aayaw!
Laban kung laban!
“Ang mga taong nagtagumpay ay naniniwala sa katuparan ng AMBISYON nila sa buhay.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, napanghihinaan ka na ba ng loob?
- Gusto mo na bang bumigay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.