Nakapagsinungaling ka na ba?
Allergic ka ba sa mga taong sinungaling?
Ayaw na ayaw natin sa mga taong nagsisinungaling, lalo na kung sila ay compulsive liar na.
‘Yung tipong huling-huli mo na, pero ‘di pa rin aamin.
Ang masama pa, pagtatakpan pa iyon ng isa pang kasinungalingan hanggang sa baon na baon na siya at ‘di na makabangon.
Kung ikaw ay galit sa mga taong sinungaling, ang tanong ko sa iyo ay, “Galit ka ba sa sarili mo?”
“Huh, ano ang ibig mong sabihin?”
Alam mo ba na pwede kang magsinungaling sa iyong sarili?
“Oh, yes na yes! ‘Di ba alam mo naman na hindi ka na niya mahal, pero pinipilit mo lang kumbinsihin ang iyong sarili na love ka pa niya?”
“Ouch, Chinkee. Ang sakit naman ‘nun.”
I don’t mean to offend you, pero ang katotohanan ay, at some point in our lives, nagsinungaling tayo sa ating mga sarili. We are not aware, but some of us are living in denial.
And here are some signs you can look at para ma-identify mo when you???re lying to yourself:
IBA ANG SINASABI MO SA TUNAY MONG NARARAMDAMAN
Kung parati mong sinasabi na, “okay lang ako”…pero deep down, alam na alam mong hindi ka okay, na galit na galit ka, na punong-puno ka na, na stressed na stressed ka na…you are lying to yourself.
Be honest with yourself because that’s the first step para maging okay ka talaga.
HINDI MAGKAAYON ANG KINIKILOS MO SA MGA SINASABI MO
Sabi mo magfu-full time writer ka na, pero bakit ‘di ka daily nagsusulat? Sabi mo magda-diet ka na, pero bakit ‘di ka pa rin nagbabawas ng pagkain? Sabi mo mag-iipon ka na, pero bakit panay pa rin ang swipe mo ng credit card?
Baka naman kasi nagse-set ka ng goal na hindi mo pala kayang ma-achieve, kaya ‘di mo nagagawa yung mga sinasabi mo. Be realistic when making goals. Don’t be hard on yourself.
MASYADO KANG EXTREME SA MGA STATEMENTS NA BINIBITAWAN MO
Kung sasabihin mo na pare-pareho lang ang mga lalaki kaya ayaw mo nang magmahal, you’re lying to yourself. Extreme statements such as generalizing men or that you don’t want to love again are not healthy – lalo na para sa iyo, kasi you’ll miss out on the best this life has to offer you.
Try to look at the other side at huwag mong hayaang nakawin ng sarili mo ang kaligayahan na dapat mong nararamdaman.
AYAW MONG MAKINIG SA SINASABI NG IBANG TAO
Kapag may mga nag-advice sa iyo, ‘di mo sila pinapakinggan dahil pakiramdam mo you already know everything – that your idea is the only idea that is important.
Pero once in a while, maganda rin na makinig ka sa opinion ng iba because the fact remains that you don’t know everything – your idea is not the only idea that is important. Be open kasi other people might just give you the answer you’ve been waiting to hear.
NEVER KANG NAGKAMALI
Para sa iyo, wala ka pang nagagawang mali – na you’re not capable of doing anything wrong. Kung ganyan ang mindset mo, ‘di ka makaka-advance kasi ‘di ka natututo sa mga pagkakamali mo.
It’s okay to be on the wrong side, to make mistakes. ‘Di nababawasan ang pagkatao mo everytime you do something wrong. Besides, these mistakes are what makes you human.
You may not be aware that you are lying to yourself.
But with the help of others and articles like this, you can take the first step toward being honest to yourself.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang pwede mong gawin para matigil na ang habit ng pagsisinungaling sa iyong sarili and start being honest to yourself?
Sino ang pwedeng makatulong sa iyo na hindi ka huhusgahan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related topics:
- PETMALU SA PAGSISINUNGALING
- SINUNGALING NA PUSO
- MANANAHI KA BA? NG KWENTO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.