Nag-pla-plano ka bang magpapayat pero hanggang plano lang?
Nag-pla-plano ka bang mag-SAVE pero hanggang ngayon initial deposit pa lang ang laman?
Nag-pla-plano ka bang magbayad na iyong UTANG, pero hanggang ngayon wala ka pang nababayaran?
Karaniwan na sa atin ang pagpa-plano sa buhay pero di natutupad. Bakit? Wala o kulang kasi tayo sa disiplina. Para saan ang detalyadong plano kung wala naman tayong disiplina na gawin ang mga hakbang para matupad ang ating plano? Balewala, hindi ba?
Kaya hindi sapat na basta tayo handa, na may nakalatag tayong plano. Dapat ay may disiplina din tayo to implement. To do. To act.
Ano nga ba ang importance and value ng discipline?
Bakit kailangan ng tao ang disiplina sa araw araw na pamumuhay?
DISCIPLINE WILL ENABLE YOU TO DO JUST ABOUT ANYTHING
Naniniwala ako na kung ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng disiplina ay magagawa natin kahit anong naisin natin.
Gusto mong maging swimmer? Have the discipline to train for swimming. Gusto mong maging healthy? Have the discipline to eat healthy food and to exercise. Gusto mong magkaroon ng retirement fund? Have the discipline to save a part of your income for that. Gusto mong tumigil sa paninigarilyo? Have the discipline to stop buying cigarettes. Gusto mong maging productive? Have the discipline to stay focused on your tasks.
Discipline is one great key for us to achieve our goals and dreams. Hindi mo pwedeng isantabi ang pagkakaroon ng disiplina kung gusto mong mag succeed sa iyong buhay. Lack of discipline simply won’t work for those who want to achieve their goals.
And what happens kung walang discipline ang isang tao?
LACK OF DISCIPLINE EQUALS TO FAILURE
May kilala ka bang taong successful na walang disiplina? Ako wala. Dahil hindi kaila sa atin na ang pagkakaroon ng disiplina ay equivalent ng pagiging successful.
Imagine mo na lang kung walang disiplina si Michael Jordan to train for basketball. Na nung hindi niya na-shoot ang pang apat na tira niya sa training niya ay umayaw siya. Or kung walang disiplina si Pia Wurtzbach na mag train for beauty pageants. Na nung hindi siya nanalo sa first pageant niya ay nag give up siya. Or kung walang disiplina si Warren Buffet to buy stocks even if bagsak ang economy. Na nung bumagsak ang ekonomiya ay sumuko siya. Do you think they will be successful? Hindi, di ba?
So it’s safe to say that lack of discipline equals to failure and having discipline equals to success.
THINK. REFLECT. REPLY.
Kumusta ka, ikaw ba ay isang disiplinadong tao?
Kung hindi, ano ang plano mo?
Sino ang taong pwede mong malapitan para ikaw ay matulungan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you willing to give what it takes to reach your goals and dreams? You can also check on these related articles:
- 3 SIMPLE STEPS TO DISCIPLINE YOURSELF FROM SPENDING
- ACTUALLY, NASA IYO…
- 4 THINGS YOU NEED TO DO TO REACH YOUR DREAMS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.