“GALIT NA GALIT ako sa kanya!”
“Di ko talaga siya trip!”
“Naiinis ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit!”
“Sana umalis na siya sa harap ko, naiirita ako!”
I am sure nasabi na natin ang mga linyang ito sa iba, lalo na kapag ikaw ay naiinis o wala sa mood. Kahit wala namang ginawa sayo yung tao, sadyang kumukulo ang dugo mo. Yun bang lagi kang nakasimangot, nakakunot ang noo, at para bang naghahanap lagi ng away na ultimo maliit na bagay eh hindi mo pinapalagpas?
Don’t get me wrong. Normal lang naman makaramdam ng sama ng loob o inis sa ibang tao, pero kung mas madaming beses pa yung galit sa puso natin kaysa sa appreciation ay hindi na healthy at maganda ito.
Ang tanong, “Why is there so much hate nowadays?”
INSECURITY
Ito yung mga tao na ayaw makitang na umangat ang iba. Sasama ang loob nila and they feel unfair sa kanila kung nauunahan sila ng iba. Naunahan sa linya; naunahan ma-recognize; naunahan umangat sa buhay; naunahan sa promotion. They would rather believe that life is unfair at hindi sila nabibigyan ng break.
Everything for them is a competition kung saan ayaw nilang matatalo. At kung matalo man, this can result in hatred, annoyance, frustration, or irritation — lahat negative.
UNSETTLED ISSUES
Unsettled issues can also be a cause of hate. Bakit kamo?
Ang hate kasi negative feeling yan na nakakulong sa puso at isipan mo na kapag hindi mo nai-release through forgiving and forgetting, you’ll just get irritated every time.
Kaya kapag nakikita mo ang taong iyon or any person who’s doing the similar act na nag-cause ng bigat sa dibdib mo, di malayong you’ll say or act negatively.
Kunwari:
???Sus maghihiwalay din yan???
???Forever? Ano yun????
???Ngayon lang sweet yan???
…It???s because he/she has an unsettled issues with his/her past.
BAD TEMPER
Isa pa sa rason kung bakit nakakaramdam kaagad ang iba ng galit ay dahil maikli ang pasensya. Pakiramdam kasi nila, isang tingin pa lang nila ay dapat mangyari na.
Galit na galit sila sa mga taong mag-drive, kapag may mabagal sa harap nila iispin na hindi niya kabisado yung daan o baka babae ang nagmamaneho. Kapag sila naman ang nasisingitan, feeling naisahan, kaya bubusina ng malakas at maninigaw. Kung makakapatay lang ang yan, I am sure marami na napatay yan.
At the end of the day, this is what I have to say kung madalas mag-init ang ulo ng isang tao.
IT’S THEIR CHOICE
Ito yung kung anong tinolerate mong feeling today, yun din yung nahahatak mong “vibes” kung baga. So when you choose to be angry, pissed, and impatient at the moment, yun lang din ang mararamdaman at makikita mo sa bawat galaw ng sitwasyon o tao sa paligid mo.
Halimbawa:
Naiinis ka dahil may nag-cut sayong sasakyan kanina, kaya tuloy, lahat ng nag-aattempt na sumingit sa dadaanan mo, maski yung mga tumatawid, matagal na stop light, traffic enforcer, o lahat ng tao sa paningin mo eh wala kang inuurungan.
What you tolerated is what you’ll get in return, in this case, tinolerate mo ang inis kaya nagkaroon ng domino effect.
THINK. REFLECT. REPLY.
Ikaw ba ay may tinatagong galit sa mundo?
Anong dahilan ng nararamdaman mong galit?
Paano kaya natin maiiwasan ito o paano natin matutulungan yung taong kakilala mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these other related articles:
- MERON KA BANG MGA HATERS SA IYONG BUHAY
- Are You A Lover Or A Hater?
- How To Deal With Haters
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.