Nainsulto ka na ba?
Nabigyan ka na ba ng sarcastic remarks?
Nasaktan ka ba dahil sa mga binitiwang salita patungkol sayo?
Napaka-makapangyarihan talaga ng salita; ito ay pwedeng magbigay ng buhay at pwede ring pumatay. Ang mga salitang ating binibigkas ay dapat na suriin muna nating maigi bago lumabas sa ating bibig. Hindi mo pwedeng mabawi kung ano ang epekto ng iyong mga salita–positive or not–once na masabi mo na ito. And believe me when I say, words are powerful.
But what if tayo ang makatanggap ng masakit na salita?
How should we react?
What do we do?
Do we retaliate or should we let it go?
There are two things na pwede mong piliin na gawin when someone speaks negative things about you.
FORGIVE THE PERSON
I know, madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kung hindi mo papatawarin ang taong nagsalita ng di maganda sayo, mas papahirapan mo lang ang sarili mo. Nasaktan ka na nga dahil sa masakit na sinabi niya tungkol sayo tapos di ka pa magpapatawad at magiging bitter, sa tingin mo you’ll feel lighthearted when you don’t forgive? Ang katotohanan niyan ay you’re not doing yourself a favor by making yourself a prisoner of unforgiveness. You’re just helping the person who said bad things about you continue to ruin you.
Sinabihan kang walang kwenta, walang silbi, iresponsable, gold digger, mataba, sobrang payat, at kung ano ano pang negatibong bagay na talaga namang kay sakit sa tenga? What then? Hahayaan mo bang maapektuhan ka ng mga masasakit na salitang iyon? Hahayaan mo bang maapektuhan ka ng hindi mo pagpapatawad sa taong nagsabi sayo nun? Or will you choose to be positive, doing things that will boost your confidence? Will you choose to be positive, forgiving the person who said those things?
Remember, you have a choice and you can always choose to forgive.
PRAY FOR THE PERSON
Revenge is not the key para gumaan ang pakiramdam mo when someone says something bad to or about you. Instead, pray for the person. Lift that person to God at hayaan mong si God ang bumalot sa kanya, ang yumakap sa kanya so that yung taong yun ay makaranas ng grace na nagmumula lamang sa Panginoon.
Natural instinct sa atin ang gumanti sa tuwing tayo ay maaagrabyado. Pero yung natural na instinct na yun ay hindi kaaya aya sa ating Panginoon na pinaglilingkuran. So we have to do the extraordinary not to please men but to please the God that we serve.
Remember, you have a choice and you can always choose to pray for the person who hurt you.
THINK. REFLECT. REPLY.
Kung may nakapagsalita ng masama sayo, remember that you always have a choice–the path of unforgiveness and revenge or the path of forgiveness and prayer. Choose wisely.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check on these related articles on forgiveness:
- Why Should We Forgive 70 x 7 Times?
- WHAT ABOUT PRIDE?
- Unahan Mo Na Magpatawad
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.