May mga kakilala ba kayong pati pambayad ng kuryente, tubig, internet, cable at renta, asa sa iba?
Pati mismo ang kanilang pang araw-araw gaya ng pagkain ay iaasa pa sa iba.
Ang sarili nilang tagumpay at ang katuparan ng kanilang mga pangarap, nakaasa pa rin sa iba.
Wala na silang ibang ginawa kundi ang umasa.
Asa dito, asa doon!
Lahat nalang iniaasa sa iba.
“Bakit Chinkee, ikaw ba ay hindi rin ba umasa noong ikaw ay nag-uumpisa pa lang?”
Hindi naman masamang umasa. May panahon na sadyang kailangan nating umasa sa tulong ng ibang tao, pero hindi naman maaari na forever na lang na ganun. Kailangan din nating matutunan na tumayo sa sarili nating mga paa.
Why? Dahil napapagod din yung mga taong tumutulong sa atin.
May panahon para sumandal at umasa, at may panahon din para ikaw naman ang sandalan at asahan. Ika nga, bigayan, hindi dapat higupin at ubusin ng lakas.
ANO BA ANG TAMANG GAWIN?
Sikapin nating pagandahin at paunlarin ang ating mga buhay
Mag-isip ng mga paraan kung paano mapapabuti ang iyong buhay. Laging merong solusyon at laging merong paraan. Huwag tayong makuntento sa comfort zone na kinalalagyan natin ngayon. Ika nga e, kapag ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun, pero kung mamamatay ka pa rin na mahirap, choice mo na yun at wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo. Kaya hangga’t may buhay, may pag-asa pang gumanda ang buhay. Nasa sa iyo yun kung gugustuhin mo o hindi.
Sikapin nating makatulong
Huwag naman tayo mamihasa at masanay na laging tayo nalang ang tinutulungan at binibigyan ng pabor. Hindi porket may kakayanan yung taong inaasahan natin e sasagarin natin ang paghingi ng tulong. May hangganan ang lahat ng bagay. Huwag nating abusuhin ang pagtulong ng mga tao sa atin. Subukan natin na tayo naman ang magbigay ng tulong. Hindi kailangan bongga, kahit sa maliit na paraan man lang. Sa paraan na kaya natin. Yung ayon lang sa ating kakayahan. Yes, hindi ka mayaman at kaunti lamang ang pera mo para makapagbigay ng tulong but you can give your service for free. You can even share your skills and talents. You can give your time. Sikapin mong makatulong sa lahat ng pagkakataon because it’s better to give than to receive.
Sikapin nating huwag umasa
Mahirap ding umasa dahil minsan you can end up broken hearted and disappointed. Minsan umaasa tayo sa mga pangako ng mga tao, pero madalas hindi ito natutupad kaya naman ang resulta e, nagkakandaloko-loko ang mga buhay natin, broken hearted tayo, sira ang mga plano natin at kung ano-ano pa. Minsan sumasablay na rin ang mga taong inaasahan natin kasi pagod na sila sa dami ng nakaasa sa kanila. Ang mga bagay na kaya mo namang gawin, pagsumikapan mo nalang gawin kaysa sa iasa mo pa sa iba.
At kung tayo’y aasa, isa lang asahan natin, ang Diyos. Bakit? Kasi hindi Siya nagsisinungaling, Siya ay tapat at tumutupad sa Kanyang mga pangako at higit sa lahat, hindi Siya sumasablay o nagkakamali. Kung sa Kanya natin iaasa at ipagkakatiwala ang mga buhay natin, hindi tayo malulugi, hindi tayo mapapahamak, hindi tayo talo, hindi tayo mabibigo, hindi tayo madi-disappoint at higit sa lahat hindi tayo mapapahiya. Makakaasa tayo sa Kanya.
THINK. REFLECT. REPLY.
Sino-sino ang mga taong inaasahan mo?
Bakit ka nakaasa sa kanila?
Nasubukan mo na bang tumayo sa sarili mong mga paa?
Umaasa ka ba sa Dios o sa tao?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check on these other related posts:
- BAKIT ANG BIGAT DALHIN ANG MGA IBANG TAO?
- Mahirap Umasa Sa Iba
- PETMALU SA PAGIGING PALAASA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.