“Kung nag aral lang sana ako ng mabuti, eh di sana madali ako makakahanap ng trabaho.”
“Kung di ko sana sinagot sagot ang nanay ko, eh di sana di ko siya nabigyan ng sama ng loob.”
“Kung tinapos ko lang sana kaagad yung trabaho ko, eh di sana di ako stressed ngayon”
“Kung inalagaan ko lang sana siya ng mabuti, eh di sana hindi kami naghiwalay”
Narinig niyo na ba yung katagang: “Nasa huli ang pagsisisi?”
Ito yung mga pinalampas nating mga pagkakataon sa buhay dahil lamang sa mga maling desisyon na hindi pinag isipan ng mabuti, kaya tuloy, sa huli pinagbabayaran natin ito.
Kung maibabalik mo lang talaga yung panahon, pero ang hirap na ibalik ang nakaraan. Gusto mo man bumawi pero kadalasan, it’s too late.
Ano ba ang cause ng pagsisisi sa huli?
MAKASARILI
May mga taong nagsisisi sa huli dahil naging makasarili sila sa umpisa. Nung mga panahong kailangan nila mag-decide, ang iniisip lang nila eh yung sarili nilang kaligayahan at benefit maski may ibang taong maapektuhan.
Halimbawa:
- Nag-absent sa school para makaalis kasama ang kaibigan. Hindi inisip yung magulang na nagbabayad ng tuition
- Hindi tinapos kaagad ang trabaho para maisingit ang pag-Facebook. Hindi inisip na malalagay sa alanganin ang mga kasamahan sa trabaho
- Nagsinungaling sa kasintahan para hindi na siya mahirapan magpaliwanag. Hindi naisip na ang pagsisinungaling ay makakaapekto sa relasyon.
HINDI PINAHALAGAHAN ANG LONG TERM EFFECT
Para sa kanila, ang nakita lang nila ay yung present situation–yung kung paano sila makakalusot o makakatakas, o di kaya’y paano sila magiging convenient NGAYON.
Ang hindi nila alam, sa bawat desisyon na ginagawa nila ngayon ay may epekto sa mga susunod na pagkakataon kaya dapat lagi tayong mag iingat.
TEMPTATION
Kadalasan naman naiisip naman natin ang mangyayari kapag ginawa natin ang isang bagay.
Sumasablay lang kapag napapalibutan ka ng mga taong mambubuyo pa na gawin mo kung ano ang mali.
“Sige na, minsan ka lang naman tatakas.”
“Hindi naman malalaman noh.”
“Mamaya ka na magtrabaho di pa naman kailangan yan.”
Kapag may mga ganito, syempre umiiral ang peer pressure kaya napapasunod ka na lang sa kanila.
THE “BAHALA NA” HABIT
“Mamaya ko na gawin yan, bahala na”
“Pag napagalitan ako, bahala na”
“Hingi nalang ako ng sorry tapos bahala na”
Ang mga taong naiipit sa ganito ay yung mga sanay makipagsapalaran.
Alam naman nilang mali, alam naman nilang maari silang mapahamak pero gagawin pa din nila dahil para sa kanila, hindi naman nila alam ang kahihinatnan so bakit sila matatakot o magpapapigil sa gusto nila.
Ang mahirap lang sa “bahala na” ay sugod ka nalang ng sugod ng hindi tinatanong ang sarili na: “Paano kung yung worst case scenario ang mangyari kapag tinuloy ko ito?”
KULANG SA DASAL
The people who might have experienced the worst ay yung mga taong nakakalimutang mag-seek ng guidance from God. Sumugod nang walang kaukulang consultation at wisdom na galing sa itaas.
Sa mga panahong di mo alam ang gagawin o kung anong choice ba ang dapat piliin, ask for God’s help because He is the only one who knows the answers. Siya lang ang may alam ng future ng bawat isa sa atin.
THINK. REFLECT. REPLY.
Anong mga bagay ang pinagsisisihan mo ngayon?
Bakit mo kaya ito nagawa?
Anong naiisip mong paraan para mapatawad ang sarili mo at makabawi?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related articles:
- Nasa Huli Parati Ang Pagsisisi
- Kuntento o Kampante? Difference between Contentment and Complacency in Your Financial Status
- Unahan Mo Na Magpatawad
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.