Umabot ka na ba sa punto ng buhay mo na pagod ka na sa kala-laban at kasasalag ng mga laban na hindi mo dapat labanan?
Ang kaibigan mong matigas ang ulo, kahit anong payo mo ay hindi nakikinig.
Ang boss mong perfectionist na kahit ano ang gawin mo, hindi mo maabot ang kanyang standard.
Ang asawa mong parating tama at ikaw ay parating mali.
Ang biyenan mong masungit na kahit anong mabuti ipakita mo, masama ka pa rin.
I am sure na nagawa mo ang lahat, at umabot ka na sa punto na napapapagod ka na sa iyong pakikipaglaban.
Ang tanong ko sa iyo sa araw na ito ay, “Are you fighting hard or fighting smart?”
Fighting hard is good, but if you do not fight smart, I can assure you mabu-burnout ka!
Allow me to share with you the Three Practical Tips on How To Fight Smart:
LEARN HOW TO FIGHT YOUR ENEMY
Bago ka pa pumasok sa giyera, alamin mo muna kung sino ang iyong katunggali.
Minsan, dinadaan na lang natin sa ating damdamin, at hindi na tayo nag-iisip. Kaya kung ikaw ay nakipaglaban na galit ka, sigurado ko na matatalo ka!
You cannot use emotions to win the battle, you got to know the enemy first.
Sino ba ang kalaban ko?
Ano ba ang kanilang kalakasan na hindi ko kayang tapatan?
Ano din ang kanilang kahinaan na pwede kong gamitin laban sa kanila?
LEARN HOW TO CHOOSE YOUR BATTLE
You got to be wise and be strategic.
HIndi pwede bara-bara bay na lang!
Kailangan mong mag-isip ng mabuti at magplano ng maigi. Ano ang magiging game plan mo?
Ano ang mga resources na kakailanganin mo?
Sino ang mga taong makakatulong sayo?
Kailan mo ie-execute yung plano mo?
LEARN HOW TO SURRENDER
May mga pagkakataon na kailangan natin din matutong tumigil.
Alamin natin yung oras na kailangan mo nang sumuko; minsan nauubos na yung oras mo, pagod mo, pasensia mo sa pinaglalabanan mo.
Ang tanong, ikaw ba ay tinawag na labanan yung problema mo sa buhay.
Minsan kasi, kahit hindi mo dapat pasukin yung laban na yan, pero feeling mo kailangan mong makialam. May mga pagkakataon din na sinasabihan ka na kailangan mo ng magpahinga, pero sige, tuloy ka parin ng tuloy.
When I say surrender, ang ibig sabihin po niyan ay hindi ka susuko, kung hindi matutong isuko ang iyong laban sa Diyos.
Ang magandang balita, we do not need to fight the battle we are not called to fight.
Kung hindi naman dapat tayo kasali, huwag na tayong makisawsaw.
Ang pangalawang magandang balita, we do not need to fight the battle alone.
Because God promised that He will never leave us nor forsake us.
Ang pangatlong magandang balita, we got to be still and know that God is in control.
HIndi tayo ang may hawak ng ating kinabukasan, tanging ang Diyos lang ang may say sa ating buhay, kung ano ang mangyayari sa ating buhay.
Kung meron man tayong isang laban na dapat ipaglaban ay…
We need to fight, is to fight the good fight of FAITH.
Kahit anong mangyari, hindi tayo aayaw sa ating pananalig.
Kahit anong mangyari, hindi tayo susuko kahit sa ano mang pagsubok.
Kahit anong mangyari, hindi tayo mapapagod magtiwala at manalangin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw may laban ka bang pinagdadaanan?
Kamusta ka na, pagod ka na ba at gusto mo ng umayaw?
Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin para hindi ka mapagod?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also look through these other related articles:
- How to Fight Clean in Your Marriage
- SA AWAY NG MAG-ASAWA, ANG MGA ANAK ANG KAWAWA
- HOW TO PROTECT YOURSELF FROM TOXIC PEOPLE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.