May mga kakilala ka bang mga taong hindi maaasahan at mapagkakatiwalaan?
Ilalagay ka sa alanganin?
Papaasahin ka at bibiguin?
Punta ka naman sa birthday ng anak ko.. (Sige try ko)
Tulungan mo naman akong matapos itong project ko (Sige I’ll see what I can do…)
Attend ka ng seminar natin dito sa office… (Subukan ko…)
Masasamahan mo ba ako sa lakad ko? (Ewan ko lang…)
Makakaasa ba ako na makakabayad ka on time? (Gagawan ko ng paraan…)
Nasubukan mo bang masagot ng alanganin oo at alanganin hindi?
Walang kasiguruhan, walang assurance.
Mahirap makipagusap at asahan ang mga taong walang isang salita.
Mga taong, hindi tumutupad sa napag usapan, mga taong puro pangako at parating napapako.
Ayaw natin makipag-deal sa mga ganitong tao. Subalit minsan, di natin namamalayan na nagiging ganito na rin tayo.
The question is how can we avoid becoming one?
Allow me to share these helpful tips:
BE HONEST
Kung di mo talaga kaya o di mo gusto, then just say NO. Huwag ka ng mahiya dahil mas nakakahiya kung magye-YES ka, tapos di mo pala kaya. Kung di ka talaga makakapunta, huwag mo nang sabihing susubukan mo.
Minsan kasi expression na lang para hindi naman masyadong nakakahiya sa kausap natin e, pero sa totoo lang talagang wala ka namang balak pagbigyan ang request nya.
BE DIRECT
Huwag na magpaligoy-ligoy pa. Huwag gumawa at mag-isip ng mga alibi. Let your yes be yes, and your no be no. Huwag na masyadong mabulaklak ang pananalita at lalong huwag na lumikha ng mga statements na pampalubag-loob. Mas ok na malaman niya ang katotohanan now rather than breaking a promise later.
BE SINCERE
Sabihin mo kung ano ang nasa iyong puso; ano ba ang iyong nararamdaman? Ano ba ang tunay na dahilan kung bakit kailangan mong humindi.
If someone invites you and you can’t make it. You can say something like this, “Uyyy, salamat sa pag imbita, nanaisin ko man makadalo pero may nauna na akong commitment. Babawi ako next time. Salamat at naalala mo ako.”
Another approach is to offer an alternative.
If someone request you to do more work…
“Uyyy, salamat sa tiwala, nanaisin ko man tumanggap ng work, pero meron pa akong ibang tinatapos. Gusto mo ba na tanungin ko yung kasama ko, baka pwede ka niyang matulungan.”
Bottomline is this, matuto tayong tumupad sa ating mga pangako so that we can be dependable and trustworthy. Kapag meron tayong isang salita, people will see us as a credible person.
THINK. REFLECT. APPLY.
Mayroon ka bang isang salita?
Naranasan mo na bang madismaya dahil may taong hindi tumupad sa inyong usapan?
Ano ang pwede natin gawin para maiwasan natin gawin ito sa iba?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.