Kapag nababasa natin yung word na “unfaithfulness”, ito ay parating nakakabit sa pagiging tapat sa iyong asawa o mahal sa buhay. And being unfaithful ay madalas nakakabit sa pagiging taksil o traydor sa isang tao, kaya it is also not a popular idea.
But I do believe that ang pagiging UNFAITHFUL should not only be limited to marital RELATIONSHIPS, pwede rin sa ibang aspeto ng buhay, tulad ng:
Unfaithful ka sa boss mo, kung late ka pumasok sa trabaho at palagi ka ring maagang umuwi.
Unfaithful ka sa anak mo, kung may ipinangako ka at hindi mo siya tinupad.
Unfaithful ka sa pamilya mo, kung hindi ka gumagawa ng paraan at maghanap ng trabaho.
Unfaithful ka sa sarili mo, kung hindi ka nag-e-exercise at inaalagaan ang sarili mo.
Yan at marami pang iba.
Alam mo ba that unfaithfulness is a choice.
Hindi ito ugat ng dahil mahina tayo o dahil natukso tayo.
Hinayaan natin ito magsimula sa maliit at hindi natin ginawan ng paraan na ito ay malabanan.
It all starts by harmless thoughts in our mind.
“Wala naman masama kung ako ay male-late, eh late naman ako umuwi kagabi.”
“Wala naman masama kakain kami sa labas ng officemate ko, eh lunch lang naman eh.”
“Wala naman masama kung titikim ako nito, eh minsan lang naman eh.”
Lahat ng pagkakamali ay naguumpisa sa maling akala.
Lahat yan ay nagsisimula sa ating maling pag-iisip, na parati natin iniisip, papasok sa ating mga puso at nakikita sa ating mga kilos.
Unfaithfulness can do serious damage to our name, reputation and to our lives as well. Kaya kung hindi natin iingatan ang tiwala ng mga tao sa atin, tayo rin ang siguradong magsisisi at mapapahamak sa huli.
Trust is like a piece of paper, once it’s crumpled, it will never be perfect again. Parang basong nabasag, hindi mo na ito maibabalik sa dati.
The choice is always ours.
We are free to choose anything we want, but we can’t choose the consequences it might bring.
If we succeed in cheating someone, it doesn’t mean that the person we cheated is a fool. Hindi man tayo mahuli at mabuko ng tao, siguradong nakita tayo ng Diyos. And God says, whatever we sow, we will reap.
If we realized that we are unfaithful in our dealings, hindi pa huli ang lahat para mag-U-turn at itama ang mga pagkakamali natin. Huwag na nating hintayin mahuli ang lahat. Let’s do something today. Act today!
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you faithful or unfaithful?
What are the areas of your life that you are struggling to be faithful in?
What can you do today to resolve your unfaithfulness?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.