Naniniwala ka ba na nais kang pagpalain ng Diyos?
Alam mo ba na ang Diyos ay maraming pagpapala na nakalaan para sa iyo?
May mga magandang plano Siya para sa atin na hindi pa natin iniisip.
Nais Niya tayo dalhin sa isang lugar na kailanman hindi pa natin nararating.
Pero bago natin matanggap ang pagpapalang ito, meron tayong dapat baguhin sa ating pananaw sa buhay. Kung hindi magbabago ang ating pag-iisip, walang darating na pagbabago. Maliban pa dito, kailangan din madagdagan ang kakayahan nating makatanggap.
Isipin mo itong mabuti—
Kung ikaw ay may isang 5 gallon na water jug at may taong magbibigay sa iyo ng 100 gallons na tubig, ang problema ay hindi sa supply.
Ang problema ay kulang ang iyong lalagyan; wala kang kakayahan upang makatanggap ng 100 gallons.
So ano ang mangyayari sa iba, masasayang lang!
Ganito rin po ang pagkakataon sa buhay, sa totoo lang, meron talaga tayong kakayahan na kumita ng sobra-sobra, makalabas sa pagkakautang at hindi na kailangan mamroblema sa pera.
Imbis na paniwalaan na meron tayong kakayanan, masyado natin kinukumbinsi ang ating sarili na hindi natin kaya.
“Paano na kung malugi?”
“Paano na kung hindi siya mag work?”
“Paano na kung lalo pang lumaki ang aking utang?”
Kadalasan tayo ay nagpa-paniwala at nagpapatalo sa mga negatibong pag-iisip.
Kung sa tingin natin na naabot natin ang ating limitasyon, ang problema ay hindi ang Diyos, kung hindi ang ating sariling paniniwala.
Ang problema natin minsan ay masyadong tayong maliit mag-isip; ang liit natin kung mangarap. Tinitipid natin dahil ang hirap paniwalaan. Mas mabuti na mangarap ng maliit at least maabot at hindi ka mabibigo, kaysa mangarap ng malaki at hindi maabot.
Kung gusto mo talaga magbago ang takbo ng iyong buhay, ito ang masasabi ko sa iyo sa blog na ito…
Palawakin at palakihin mo ang iyong pananaw sa buhay, gumawa ng puwang para sa mga bagong bagay na nais ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.
Imbis na iisipin mo na kikita ka lang ng sapat, ang dapat mong isipin kikita ka ng sobra-sobra.
Imbis na iisipin mo na ikaw ay magkakaroon lang ng sari-sari store, ang dapat mong isipin ay magkakaroon ka ng mini-grocery.
Imbis na iisipin mo na ikaw ay mag kokomute lang, ang dapat mong isipin ikaw ay magkakaroon ng sariling sasakyan.
Imbis na iisipin mo na ikaw ay nangungupahan lang, ang dapat mong isipin ay magkakaroon ka ng sariling bahay.
Kapag may ganito ang uri ng iyong pananaw, ito na ang simula ng pagtaas ng iyong kakayahan upang makatanggap ng matinding pagpapala at masaganang buhay na iyong inaasam.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, ano sa palagay mo ang iyong pag-iisip – negative ba o positive?
Ano sa palagay mo ang nagbibigay ng limitasyon sa iyong buhay?
Ano ang pagbabago ang pwede mong gawin?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you excited to receive more from the Lord? Check on these other related articles:
- EVERY GISING IS A BLESSING
- 5 CHOICES TO MAKE TO LIVE A POSITIVE LIFE
- NEVER TALK NEGATIVE, ALWAYS TALK POSITIVE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.