Aminin man natin o hindi, guilty din tayo minsan sa pagpuna ng mga mali sa iba. Tila ba yun ang una nating nakikita sa isang tao. Halimbawa na lang nagkita kayo ng matagal mo ng kaibigan, ang bati mo sa kanya, “Uy ang taba mo ngayon ah?”, o di kaya, “Anong nangyari sa mukha mo? Bakit puro ata pimples?”.
Hindi dapat maging habit ang pagpansin at pagpuna ng pangit at mali sa isang tao. Bakit hindi dapat tayo masanay na mamuna ng iba?
Because…
WE ALL HAVE FLAWS
Walang perpekto sa atin. Lahat tayo ay may kapintasan at kahinaan, kaya naman lahat tayo ay nagkakamali at pumapalpak. Sabi nga ng Diyos, bakit mo pinupuna ang muta sa mata ng ibang tao, samantalang ikaw mismo ay may graba sa sarili mong mga mata? Bago tayo magcomment tungkol sa pagkakamali ng iba, tignan muna natin ang ating sarili. Iwasan natin magmalinis o mag magaling.
IT WILL NOT MAKE US SUCCESSFUL
Pointing out other people’s failure or flaw will not make us any better, nor will it make us successful or beautiful. Ika nga e, hilain mong pababa ang iba, hindi ka naman aangat. Malungkot man isipin at tanggapin, marami pa rin sa atin ang may crab mentality. Hindi dapat ganyan. Dapat magtulungan, dapat sabay-sabay tayong umunlad at makaahon. Matuto tayong makisaya sa success ng iba. Huwag kang mag-alala, darating din yung araw mo.
WE ARE ALL AN UNFINISHED MASTERPIECE
Each of us are God’s masterpiece, but we are still a work in progress. We can improve everyday. Experiences and learnings in life make us a better person. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam at tanging Siya lamang ang may karapatang humusga sa bawat isa sa atin.
We are not perfect and we all need God’s grace and mercy.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ugali mo bang punahin ang mali at kapintasan ng iba?
How do you react when people point out your mistakes?
Do you have a crab mentality?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article interest you? Check on these related posts:
- PARATI NA LANG MALI
- WHY ARE SOME PEOPLE TOO CRITICAL
- I WAS A VICTIM OF BULLYING
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.