Madalas ka ba mainip kapag ikaw ay nasa pila ng jeep, bangko o sa fast food?
Kaka-order mo lang sa waiter, gusto mo lumabas na agad.
Kakapost mo lang sa FB page, gusto mo may mag-like na agad, at kung walang nag like, ikaw na mismo ang ang nag li-like.
Kung nakaka-relate ka, hindi ka nag-iisa.
In a fast paced world, gusto natin lahat ay mabilis.
Kung pwede lang magawa at matapos ang lahat just with a snap of your finger.
Unfortunately, lahat ng ating ginagawa sa buhay ay may proseso.
Meron dapat tayong pagdaanan ng mga dapat gawin para maging matagumpay.
Dapat matuto tayong MAGHINTAY.
Sa mundong nagmamadali at naghahabol ng oras,
may saysay pa ba ang paghihintay?
Bakit ba kailangan matutong maghintay?
YOU CAN GET THE BEST
Naranasan mo na bang mag-shopping dahil may sale, sa sobrang excitement, binili mo na agad dahil akala mo ito ay mura.
Noong lumipat ka sa kabilang store, nakita mo yung same item at 50% off.
Naranasan mo na ba na mag-yes sa unang nanligaw sa iyo, at saka lang dumating ang tunay mong pag-ibig?
Buong sisi na sinabi mo sa iyong sarili, “Sana naghintay ako!”
Takot ang tao maghintay dahil sa kasabihang “grab every opportunity”. Ngunit sure ka ba na ang oportunidad na yun ay talagang para sa yo?
Sure ka ba na ang oportunidad na yun ay ang best para sa yo?
Hindi lahat ng una ay best. Minsan kailangan nating tanggapin na kailangan nating matutong mag hintay.
Hindi masarap kainin ang hilaw na prutas.
Malansang kainin ang karne kung hilaw ang pagkaluto.
Bawat bagay ay may takdang oras kaya matuto kang maghintay.
WAITING TEACHES US PATIENCE
Sa panahon ngayon, isang tawag mo lang sa fast food, delivered na kaagad ang food sa tahanan mo.
Isang click mo lang sa Facebook, alam mo na ang mga activities ng crush mo.
Isang press mo lang sa washing machine, nalabhan na ang mga damit mo.
Gusto natin mabilis ang lahat. Gusto natin nagagawa natin ang lahat sa isang click lang ng ating daliri.
Kaya pag nagba-buffer ang video sa Youtube, inis ka na kagad.
Kapag mahaba lang ang pila, iritable ka na kagad.
Pinaghintay ka lang ng kaunti ng waiter, galit ka na kagad.
Dahil hindi ka marunong maghintay, mabilis kang magalit sa mga simpleng bagay.
Waiting teaches us patience.
Kailangan nating magpasensya dahil hindi lahat ng bagay nakukuha natin kagad.
Hindi instant ang paglago ng negosyo.
Hindi instant ang ma-promote sa trabaho..
Hindi instant ang pagpayat.
Hindi lahat ng bagay ay mabilis kaya matuto kang maghintay.
WAITING SAVES US FROM UNNECESSARY MISTAKES
Narinig mo na ba ang kasabihang “try and try until you die”
Wala namang masama sa pag-try pero tandaan na ang pagsubok sa mga bagay ay minsan nakakapagod rin.
Halimbawa na lang sa trabaho. Try ka ng try ng iba’t-ibang trabaho dahil iniisip mo na gusto mong i-explore ang lahat para mahanap mo ang “niche” mo. Raket ka ng raket hanggang na-burn out ka na.
Kung sana huminto ka muna saglit at alamin sa sarili mo ang iyong direction at passion, di ka na sana napagod sa kaka-apply at kaka-resign.
Halimbawa na lang rin sa lovelife. Try ka ng try mag-boyfriend o mag-girlfriend. Iniisip mo kasing di mo madi-discover ang iyong “forever” kung di ka magta-try. Eh sa bawat break up, may heartbreak.
Kung naghintay ka sana para sa iyong “the one”, naiwasan mo sana ang sangkatutak na iyak at drama dahil sa nasaktan ka.
At saka ang forever ay hindi mabilis na oras, ito ay mahabang panahon, kaya nga tinawag na “forever”, kaya di rin ito madaling hanapin. Hindi nga dapat ito hinahanap, ito ay dapat hinihintay, kaya matuto kang maghintay.
May mga bagay na dapat gawin kaagad at may mga bagay rin na dapat hintayin. Lahat ay may kanya-kanyang oras. Sabi nga ni Lola Nidora, “Sa Tamang Panahon”.
Kaya matutong maghintay!
THINK. REFLECT. APPLY.
Nasa sitwasyon ka ba ngayon na dapat kang maghintay o dapat kang magdesisyon kaagad?
Paano mo malalaman kung dapat kang maghintay?
Ano-ano ang pwede mong gawin habang naghihintay?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
- Ang Tunay Na Matagumpay Ay Marunong Magtiis, Magtiyaga, At Maghintay
- Paano Matutong Maghintay?
- Magtiis, magtiyaga at maghintay
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.