Concept? Check!
Capital? Check!
Equipment? Check!
Location? Check!
Manpower? Check!
Sa checklist mo ng mga kailangan para mag start ng iyong negosyo, mukhang handang-handa ka na para sa iyong opening day.
Pero sure ka na ba talaga na ready ka na mag-negosyo?
Ang pagnenegosyo ay may risk.
Kailangan mong tumaya sa isang bagay na pinaniniwalaan mong maganda at papatok sa tao. Ngunit ang pagnenegosyo ay higit pa sa pagtataya ng pera o sa kakayahan mong mag-manage ng mga resources mo.
Ang pagnenegosyo ay kailangan din ng tamang pag-iisip at lakas ng loob.
Dahil dyan, may isa-suggest akong mga kailangan mong idagdag sa checklist mo bilang paghahanda sa launch ng iyong negosyo.
BE OPTIMISTIC
Ang pagkakaroon ng positive thinking ay sobrang kailangan lalo na nagsisimula ka pa lang sa iyong pinapangarap na negosyo. Para saan pa na ikaw ay magne-negosyo kung di mo naman pala papaniwalaan ang iyong sarili at ang iyong produkto o serbisyo.
Kailangan mong isipin na ikaw ay magtatagumpay.
Kailangan mong itatak sa utak mo na gagawin mo ang lahat para magtagumpay.
Kailangan mong paulit-ulit na i-cheer ang sarili mo para hindi ka ma-discourage dahil hindi madaling magsimula ng negosyo.
Isipin mo na lahat naman talaga ay mahirap sa una ngunit tandaan mo rin na may reward ang lahat ng iyong pagod.
Sabi sa isang research, most millionaires avoid negative people. Ikaw rin, avoid pessimistic people because they are what I call “dream stealers”. Imbes na suportahan ka, sila pa ang first honor para i-discourage ka at di ka paniwalaan.
So kung nais mong magtagumpay, be a positive thinker and surround yourself with motivators and positive people.
Tandaan rin na if you can think about it, you can achieve it. Kaya always Chink+!
BE READY TO UNLEARN AND RELEARN
Isipin mo na ang pagnenegosyo ay ang application ng mga napag-aralan mong concepts and theories about business. Kung ikaw naman ay di nakapag-aral ng business sa isang formal school, maaaring may database ka na ng myths about putting up a business.
Kung nais mong magtagumpay sa pagne-negosyo, be ready to unlearn what you already know and relearn from the experiences and challenges that you will face.
For sure, maraming sitwasyon na kahit anong paghahanda ang ginawa mo, mare-realize mo na the situation is out of your control. Maaaring nagka-shortage sa kailangan mong supply. Maaaring nagkaroon ng aksidente sa kalsada kaya na-late ang delivery ng kailangan mong goods.
Minsan kahit anong hanap mo ng theory ay wala kang matagpuan na sa-swak sa sitwasyon. Kaya you need to unlearn what you have learned in the classroom because your business is now your biggest classroom.
Kapag may nangyaring setback, all you need to do is to make the most out of that situation. Kahit na unfortunate event pa yan, be ready to gather all the lessons you can gather para sa susunod na mangyari yun ay magiging mas prepared ka na at kaya mo nang masolusyonan ang problema.
Life has a lot of challenges, therefore there are also a lot of lessons to learn. Kaya don’t stop learning. Unlearn and relearn.
BE READY FOR FAILURES
Hindi madaling mag-negosyo. Minsan ang akala mong patok ay di pala bibilhin ng tao. Ang akala mong maganda ay wala palang kwenta para sa iba. Nag-research ka naman about your business pero bakit di pa rin nagki-click?
Ganyan talaga ang proseso ng pagnenegosyo. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.
Take note that everyone can fail. But keep in mind that it isn’t your failure that matters most but your attitude towards failure.
Katulad na lang ng mga bida sa telenovela. Sa una lang sila api ngunit sa dulo, nasa kanila pa rin ang huling halakhak.
Okay lang mag-fail pero ang mahalaga ay hindi ka susuko. Okay lang madapa pero ang mahalaga ay dapat marunong ka ring tumayo muli. Ang importante ay may natutunan ka sa pagkabigong ito at ready ka pa rin magpatuloy.
Ang pagnenegosyo ay parang gyera at patatagan ng puso ang labanan. Magpatuloy ka lang at may reward din ang lahat, kaya press on!
Ang mga ito ay ilan lang sa mga pwede mong idagdag sa iyong checklist sa paghahanda mo para sa pangarap mong negosyo. Ang mahalaga ay sa bawat pagtatag mo ng negosyo, dapat tumatatag rin ang iyong puso at isip.
Tamang attitude at tamang mindset lang ang kailangan para magtagumpay. So ngayon, ready ka na bang mag-negosyo?
THINK. REFLECT. APPLY.
Nag-iisip ka ba ngayon na mag-negosyo?
Alin sa mga item sa checklist na ito ang kailangan mo pang i-develop?
May mga areas pa ba ng buhay mo ang kailangang ihanda para sa iyong pagnenegosyo?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Check on these other related posts:
- NEGOSYONG USO O GUSTO MO?
- Gusto Mong Magnegosyo, Pero Walang Kapital? Walang Problema!
- Usapang Negosyo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.