Dalawang oras ka nang nasa bus at di ka pa rin umuusad?
Nakatulog ka na nga’t lahat, nasa same place ka pa rin?
Palala na talaga nang palala ang traffic sa mga syudad, Metro Manila man o kahit sa ibang mga probinsya na rin.
Mapapaisip ka na lang na ang dalawang oras na pagkakaipit mo sa traffic ay katumbas na ng isang pelikula, 40 na songs sa playlist mo, isang byahe papuntang probinsya, o kaya dalawang oras na pahinga sa iyong kama. Hayyy.
Mare-realize mo na nasayang lang ang oras mo sa tindi ng traffic.
Eh di sana marami ka nang nagawa.
The good news is, pwede mo pa ring ma-redeem ang time mo stuck in traffic! Instead of complaining about the situation, may mga pamamaraan on how we can turn UNPRODUCTIVE time to PRODUCTIVE.
These are the following things I’ve been doing when I am stuck in a traffic jam…
LISTEN TO AN AUDIOBOOK
Sa loob ng mahabang oras sa pagkakaipit sa traffic, instead of just listening to music why not use the opportunity to turn your car into a classroom. Try mo na makinig ng audiobook. Maraming downloadable na audiobook sa internet na pwedeng dumagdag sa iyong kaalaman.
Sa pamamagitan ng audiobooks, pwede kang matuto ng bagong language, mag-aral about sa subject na nahihirapan ka, o kaya makahugot ng motivation from inspirational audio books (download for free at https://www.youtube.com/user/visionchinkee).
Imbes na tumitig ka lang sa kawalan habang lumilipas ang oras mo sa pagbiyahe, gamitin mo na lang ito para madagdagan ang iyong talino at kaalaman. Every second counts, so make the most out of your time. Learn while waiting. Learning never stops, diba?
READ A BOOK
Every second is an opportunity to learn.
If you are not driving, mas mabuti na magbaon ka ng libro o kahit anong babasahin. Pwedeng mag download naman ng ebooks sa gadget mo.
Sa paghinto ng sasakyan, pwede kang makapagbasa ng ilang chapters ng isang libro. At kung sobrang lala ng traffic, malay mo makatapos ka pa ng buong book.
Imbes na mag-daydream ka about your crush, it would be better na magbasa. Tatalino ka pa at di pa masasayang ang oras mo sa paghihintay.
Reading is a good way to learn things dahil na e-exercise ang utak mo na mag-imagine at mag-isip. Also, reading can take you to places! Pwedeng sa Hogwarts, sa Forks, Jerusalem or even sa outer space. Kesa naman mainis ka dahil di ka umuusad at nasa same place ka lang for hours, let reading take to places through your imagination.
PLAN AND MAKE DECISIONS
Dahil sa oras na itinigil mo sa kalsada, for sure marami ka nang naiisip. Maaaring napag-isipan mo na ang future mo with your crush, goals and dream career mo, o kahit ang mga past hinanakit mo. Imbes na mag-daydream ka o mag-wallow dahil sa bitterness, use your traffic delay to plan and make decisions about your life.
Sige, nangangarap ka about your future with your crush, then plan the moves you need to make to be the best partner for him/her. Kung nag-iisip ka about your dream career, then gamitin mo yung oras mo sa sasakyan to plan the steps you need to take to get that dream career. Kung nagwa-wallow ka sa bitterness dahil sa past hurts, then this is the time to decide to forgive and to move on.
Sa time na nag-lag ka dahil sa traffic, pwede kang mag-reflect sa buhay mo kung in tune ka pa rin sa mga goals mo. Kung wala ka pa namang clear goals, then use the time para mag-soul search. Pwede mong gawing “alone time” ang pagkakaipit mo sa traffic.
Sobrang nakakairita talaga ang abala na dala ng matinding traffic. Kesa dumami lang ang wrinkles mo kakakunsume sa unfortunate event na ito, humanap ka na lang ng ways to turn this delay into a productive time! Happy traffic!
THINK. REFLECT. APPLY.
Parati ka bang iritable kapag stuck ka sa traffic?
Ano-ano ang pwede mong gawin para maging productive ang iyong traffic time?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check these related posts:
- How To Be Productive Even When Stuck In Traffic
- PETMALU SA PAGKAMAINITIN ANG ULO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.