Tapahoho.
Hindi taho, kapatid.
Parang shades para sa kabayo pero sa gilid lang siya.
Ang purpose nito ay para hindi lumihis ng direksyon si horsey horsey.
May peripheral vision kasi ang kabayo kaya kailangan nito ng blinders para maka-focus.
Di naman masyadong nalalayo sa atin – sa tao.
Sa dami ng distractions, minsan parang kailangan din natin gumamit ng tapahoho para lang hindi tayo mapunta sa ibang direksyon o lumayo sa dapat nating puntahan.
Struggle man mag-focus, may paraan pa rin para ma-achieve ito.
I-KONDISYON ANG ISIPAN
(Photo from this Link)
Bago umupo at simulan ang anumang bagay na mangangailangan ng undivided attention mo, i-train ang brain na mag-ta-trabaho ito.
Sabi nga ng mga eksperto, focus is a muscle.
Mahahasa ang kapasidad mong mag-concentrate kapag lagi mo itong ginagawa at pina-practice.
SET A LIMIT FOR SCREEN TIME
(Photo from this Link)
Pag-check ng FB: 30 minutes?
Watching Youtube : 1 hour?
Instagram: 30 minutes?
Netflix: 1 hour?
Add it all up, you would have unknowingly wasted 3 hours of your day.
That would be 21 hours in a week.
Halos isang araw o katumbas ng 24 hours ang nawawala sa linggo mo.
What more kung buong taon mo ito ginagawa?
Gusto ko lang ipakita na ang mahalagang aware tayo kung saan napupunta ang oras natin. Kapag aware ka dito at naayos mo ito, more chances of winning sa pag-focus.
BALIKAN ANG IYONG “WHY”
(Photo from this Link)
Bakit mo ba kailangan mag-focus?
Sino ba makikinabang? Is it just you? Pamilya mo ba?
Ikaw lang makakasagot niyan.
Pero kapag malinaw sayo ang purpose mo, mas gusto mong galingan dahil makabuluhan ito para sa yo.
Kaya maupo na at i-suot na ang iyong tapahoho.
“Solid ang OUTPUT kapag solid ang PAGTUTOK”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Saan ka naka-focus ngayon?
- Bakit ka nahihirapang mag-focus?
- Ano ang mga pwede mong simulang gawin para makapag-focus ka?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.