We all have attitudes!
Ang tanong na lang ay kung meron tayong good or bad attitude?
Minsan kahit anong ganda o gwapo ng isang tao pero kapag pangit ang attitude parang pangit na rin sya.
Sino ba naman ang natutuwa, nag-eenjoy at gustong makasama ang isang taong mayabang, sinungaling, mainitin ang ulo, pala-pintas, madamot, matapobre, at kung ano-ano pang bad attitude. Wala, diba?
Sabi nga nila, ang pagkakaroon daw ng bad attitude ay parang pagkakaroon ng body odor. Di mo ito naaamoy pero amoy na amoy ng mga tao na nasa paligid mo. Ang taong may bad attitude ay minsan hindi napapansin na meron na sila. At kapag sinabihan mo sila, sila ay either in denial or sila pa ang galit.
Ang pagkakaroon ng body odor ay simpleng gamutin, kailangan lang ng maligo at gumamit ng deodorant. Ganoon din yung bad attitude, pwede rin ayusin kung nais magpakumbaba na aminin na meron silang dapat ayusin at baguhin. Kapag hindi natin inayos ang ating mga pag-uugali, siguradong meron itong negative effect.
DESTROYS YOUR RELATIONSHIP WITH OTHERS
Hindi mo namamalayan na nilalayuan ka ng mga tao. Maraming naiinis at nagagalit sayo. Ang mga kaibigan mo ay unti-unting nauubos. Ang mga mahal mo sa buhay ay nasasaktan. Walang gustong makasama ka. Walang gustong maka trabaho ka. Sa madaling salita, our bad attitude destroys our relationship with others.
DESTROYS YOUR YOUR HEALTH
May mga taong mapagtanim ng sama ng loob, magagalitin, bitter at kung ano-ano pa. Hindi ito nakakatulong sa ating kalusugan. Bukod sa bumibigat ang ating mga pakiramdam at malungkot ang ating buhay, maaari din itong maging sanhi ng sakit.
DESTROYS YOUR WALK WITH GOD
Pride is a bad attitude. Hindi nakapagtataka na tayo ay malayo na sa Diyos. Why? Minsan, feeling ng tao na kaya nila itong ayusin, at ayaw nila gambalain ang Diyos.
The more we have pride, the more we drift away from God.
Yes, nobody’s perfect, that’s the reason why we can ask God to help us. For nothing is impossible with Him.
THINK. REFLECT. APPLY.
How did my attitude help the situation?
Did my attitude hurt someone?
How did my attitude affect others around me?
Was God pleased with my attitude?
Did my attitude make things worse or better?
How could I handled the situation with a good attitude?
What can I do to remind myself to have a good attitude next time?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
We hope this article brings light to you. You can also check on these other related posts:
- Gratitude is an attitude
- WHAT ABOUT PRIDE?
- MAGPASALAMAT KA NAMAN!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.