Madalas nating madinig at mabasa ang mga katagang iyan itong nagdaang eleksyon. Tila ba sawang-sawa na tayong mga Pilipino sa mga paulit-ulit na mga issues at problema na dinaranas natin bilang isang bansa at isang mamamayan.
Lahat tayo gustong-gusto na ng pagbabago.
Ayaw na natin ng..
Kahit anong klase ng corruption..
Pasakit na traffic sa lansangan..
Bulok na sistema sa gobyerno..
Kabi-kabilang krimen..
At kung ano-ano pa!
Pagod na tayo sa kakareklamo, kakadaing, kakatiis at kakapasensya. We all want to experience change. Lahat tayo ay nangangarap ng isang bagong Pilipinas.
Totoong kailangan natin ng isang matino, matatag, matapang, maka-DIYOS at magaling na lider, para totoong mangyari ang pagbabago. Pero alam nyo bang hindi lang sila ang susi para sa tunay na pagbabago?
IKAW, AKO, TAYONG LAHAT!
Tayo ang susi para magkaroon ng pagbabago. Dahil kahit sino ang maupo at mangunga kung hindi natin sisimulan ang pagbabago sa ating sarili, balewala rin ito.
Kung gusto talaga nating ng pagbabago, kailangan nating magsimula sa ating mga sarili..
Tumawid sa tamang tawiran..
Huwag magtapon ng basura kung saan-saan..
Huwag umihi sa pader..
Iabot ang lisensya at huwag ng magtangkang maglagay..
Sumunod sa sistema at huwag mag-under the table..
Sumunod sa batas trapiko..
Change should start with us. Huwag tayong magturo ng iba at mag-expect na sisimulan ng iba ang magandang pagbabago habang tayo ay nananatili sa makasarili nating mga gawi. Sa atin nakasalalay ang pagdating ng pagbabago. Kung lahat tayo ay magkaroon ng ganitong kaisipan, sigurado akong masisilayan na natin ang maganda, maunlad at bagong Pilipinas.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang mga kailangan mong baguhin sa sarili mo?
Ano na ang mga nagawa mo para sa ating bansa?
Handa ka na bang iwan ang mga maling kinagawian mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these related posts:
- 4 Ways To Change A Bad Habit
- How Positivity Can Change Our Lives
- People Want Change
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.