Anong nakikita mo?
Problema o solusyon?
Opportunity o rejection?
Positive o negative?
How we see things matters.
Sa dami ng nakikita natin, sa dami ng battles na nilalabanan natin, sa dami ng distractions sa paligid natin, sa dami ng rejection, discouragement, and failure na nararanasan natin araw-araw, having the right perspective will give us the energy to move on and reach our goals and dreams.
We should not focus on the ‘negatives’, but on the ‘positives’. Sa halip na magmukmok at magmaktol dahil sa bigat ng problema natin, tumayo tayo and focus all our energy on the solution. Huwag nating sayangin at ubusin ang panahon at lakas natin sa kaka-worry sa ating mga problema.
Allow me to share a story…
May dalawang ahente ng sapatos ang nagpunta sa bundok para magbenta ng kanilang mga produkto. Nang makarating na sila sa tribo, nakita nila na ang mga tao doon ay naka-paa lang. Tumawag ang unang ahente sa boss nya at ito ang kanyang sinabi:
“Boss! May problema po tayo! Hindi po sila nagsa-sapatos, lahat po sila ay naka-paa.”
Dali-dali ring tumawag ang pangalawang ahente sa kanyang boss, excited at masayang-masaya. Ito naman ang sinabi nya:
“Boss! Good news! Lahat po sila, walang sapatos! Makakarami po tayo ng benta dito.”
Sino sa tingin mo ang mas magaling sa kanila? Sino sa kanila ang mas makakabenta? Sino sa tingin mo ang magtatagumpay? Pareho ng sitwasyon, pareho ng pagsubok, pero magkaiba ng perspective.
What matters is how you look and respond to your problem.
Change your mindset and change your perspective.
It’s the key to not just a successful and fulfilled life, but a joyful one as well.
Totoong may mga problema at pagsubok that is beyond our control, pero a lot of our problems are either consequences of our wrong choices or just to test our character. Ngunit para sa mga problema na hindi na kaya ng ating karunungan at kakayanan, atin itong ipagkatiwala sa Diyos. Just do your best and God will do the rest.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong nakikita mo?
Anong pinag-dadaanan mo ngayon?
Paano mo ito tinatanggap?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this? You can also check these related posts:
- DO YOU WANT TO COPE WITH THE PAIN OF FAILURE?
- 5 CHOICES TO MAKE TO LIVE A POSITIVE LIFE
- Baby Steps to Becoming Incredibly Happy: 5-Day Positivity Challenge
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.