Naranasan mo na ba ito?
Pinaasa ka. Niloko at nagmahal ng iba.
Ang mga ipinangako niya, napako lang lahat.
Ninakawan ka at dinaya.
Siniraan ka sa ibang tao.
Pinagsamantalahan ang kabutihan at kahinaan mo.
Sa madaling salita, binasag ang tiwala mo.
Kung pinagdaanan mo ito, mas doble ang sakit kapag ang gumawa sa iyo nito ay mahal mo sa buhay. Isang tao na pinagkatiwalaan mo ng 100% at hindi mo pinag-isipan na sisirain lang niya ang tiwalang binigay mo.
Kapag tiwala ang nasira, parang walang kasing-hirap ayusin at ibalik sa dati ang isang relasyon. Bakit? Dahil hindi biro ang emotional investment na inilalaan kapag pinagkakaloob ang tiwala sa isang relasyon.
Para sa mga nakasakit at nagkamali, what can we do to restore the broken trust of our loved ones?
Here are some tips that might be of help:
ASK FOR FORGIVENESS
This is the first step in rebuilding trust. We need to accept that we have wronged that person and ask for his/her forgiveness. We should lower our pride and face the consequences of our actions. Patawarin man tayo o hindi, pagsalitaan man tayo ng masakit o hindi, mahalaga na lumapit tayo sa taong na-offend natin at humingi ng tawad.
REPENT
Balewala ang paghingi ng tawad kung walang pagbabagong mangyayari. Repentance is not merely crying sa nagawa nating mali. Repentance is a change of heart and mind.
Ibig sabihin, kung humihingi ka ng tawad dahil sa iyong infidelity, you need to cut all the ties that bind you doon sa other woman/other man mo and start being faithful to your partner.
Kung dati ay may lock code ang phone mo at lagi mo itong bitbit hanggang restroom, confident ka na ngayong iwan ito kahit saan dahil wala ka nang ginagawang act of unfaithfulness.
DON’T RUSH
Give him/her time. Hindi basta-basta naibabalik ang tiwala. It’s a process – sometimes, long and arduous. Nasaktan at nasugatan natin ang taong mahal natin and it’s just right that we allow them to heal.
Huwag nating apurahin na maibalik ang lahat sa dati. If we really want trust to be restored, we need to be patient. We cannot easily ask for 100% trust just like that. We have to earn it. Time will prove that we are worthy of that trust again.
Yes, nasisira ang tiwala. But the good news is, it can be restored.
Hindi man ito maibalik sa dati agad-agad, but one thing is for sure…maibabalik din ito through time. Kaya naman, kung tayo ay pinagkatiwalaan, siguraduhin nating ingatan at pahahalagahan ito dahil hindi basta-basta naibabalik ang trust.
THINK. REFLECT. APPLY.
Whom do you need to restore a relationship?
What can you do to regain the trust of others?
Have you repented and asked for forgiveness?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Here are some other related posts:
- Pres. Duterte’s SONA’s Quotable Quote: Those Who Betray The People’s Trust Shall Not Go Unpunished
- MANANAHI KA BA? NG KWENTO?
- WHAT ABOUT PRIDE?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.