Ferrari…
Mercedes Benz…
Hummer…
Porsche…
Ford Mustang…
Audi…
Ang gagara ng mga brand na ‘yan!
Given the chance na magkaroon ng isa sa mga ‘yan, ano ang pipiliin mo? I’m sure hindi ka tatanggi, lalo na kung ito ay libre. Pero kung ito ay i-aalok mo nang libre kay Pangulong Duterte, hindi siya magdadalawang-isip na tanggihan ‘yan.
Kung tatanungin natin ang ating Pangulo kung anong choice of car niya, ang magiging sagot niya ay “none of the above”.
Bakit? Para sa kanya, okay na ang simpleng sasakyan – kahit Toyota Innova, okay na. Ang mentality niya, just like the other cars, it can serve its purpose, taking him from point A to B.
Kung tutuusin, may karapatan siyang pumili ng branded at mamahaling sasakyan dahil siya ang pinakamakapangyarihan na tao sa ating bansa. But he didn’t use it as a license to have one. It only reveals how simple and practical he is. I am sure that he wants to be frugal and set a good example, lalo na para sa mahirap na bansa na gaya ng Pilipinas.
It also shows that the President knows the benefits of owning a simple car.
And with that, I wanna share with you some of my insights when it comes to owning a simple car. Here are some of them:
HINDI MASAKIT SA KALOOBAN
Kapag nagasgas, nasira, nabangga, o nanakaw ang sasakyan mo, hindi ganoon kasakit sa kalooban. May konting kirot o panghihinayang siguro, but not as painful kung ikukumpara sa pagkakaroon ng high-end cars.
HINDI MASAKIT SA BULSA
Limpak-limpak na salapi ang halaga ng mga luxury cars. Hindi sapat ang isang taong sahod ng isang regular na employee para makabili nito.
HINDI MAINIT SA MATA
Ang hot car, guaranteed head-turner. Siguradong lilingunin ‘yan dahil bukod sa maganda ang itsura, bihira lang ang mayroong ganoon. Most of the time, mga mayayaman lang ang nagkakaroon ng ganoong klaseng sasakyan. Sa sama ng mundo at panahon ngayon, hindi malabong mangyari na mapagdiskitahan ito ng mga naiinggit at masasamang loob. ‘Yun ngang simpleng sasakyan pinagtatangkaan na ma-carnap eh, yung mga branded pa kaya? Minsan, kahit motor at bisikleta, pinapatos pa!
AFFORDABLE ANG MAINTENANCE
Kung mahal ang presyo ng sasakyan mo, siguradong mahal din ang maintenance. Mahal ang pagawa, gasolina, materyales, o maging ang mga spare parts nito. Kung gusto mo ng branded na sasakyan, dapat handang-handa ka financially dahil kung hindi, malulubog ka sa utang ‘pag nagkataon.
Hindi naman masama magkaroon, mag-asam, at mangarap ng mamahalin at branded na sasakyan. Katulad ng lagi kong sinasabi, it’s a case-to-case basis. We have our own preferences. Kung ano ang nagwo-work sa akin might not work for you and what works for you might not work for me.
The President has his own preference. You can freely choose yours.
THINK. REFLECT. APPLY.
Do you have a car?
What is your purpose for buying that car?
What’s your preference when it comes to cars?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Check these other related posts:
- Pres. Duterte Inspirational Tips: Removing The Entitlement Mentality
- Pres. ??Duterte? Tipid Tips: Live Within Your Means
- Pres. Duterte Tipid Tips: Travelling In Economy Class
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.