Updated ka ba sa latest gadgets?
Laptop, cellphone, camera, tablet, at kung anu-ano pa…
Nandiyan ang:
- Lightweight
- Water-Proof
- Slim
- Detachable
- HD Camera, etc.
Hindi naman bawal maki-uso. BUT, the question is…FULLY-PAID NA BA ‘YANG MGA BINILI MO? O naka-12-month zero interest ka lang?
‘Yung dami ba ng gadgets mo ay kasing dami na din ng utang mo sa credit card at sa mga kaibigan o ka-opisina mo?
Wala nang natitira dahil sa pagbabayad na lang napupunta ang sahod mo?
Bakit ba nakaka-adik na magkaroon ng bagong gadget at tila minsan, wala na tayong control sa ating addiction?
IMPULSIVE BUYER
Dinadaan mo na lang ang lahat sa feelings. If we let our emotions rule over us, lahat nalang, gusto mong bilhin. Hindi naman kasi nawawala ang feeling natin na magkaroon ng bagong gamit.
GUSTO MAKUHA LAHAT
- May cellphone naman, pero gusto na may isa o dalawa pa para sa iba’t ibang network.
- May laptop naman, pero bibili pa uli para isa sa work at isa sa bahay.
- May camera naman, pero kukuha pa ng pang-underwater at ‘yung may wide-shot lens.
- May nilalaro naman sa bahay, pero bibili pa ng bagong games o ‘di kaya’y, bibili pa ng may wireless controller.
Eh, sa dami ng lumalabas maya’t-maya, kung makikihabol tayo sa bilis ng transition, hindi na nakakagulat if we’ll end up broke.
Sadly, we still do it and put up with the consequences because we want:
TO IMPRESS
We keep on buying these things kahit meron na tayong ginagamit – hindi dahil sa kailangan natin, pero dahil gusto nating makuha ito ahead of everyone.
Para saan?
- Para sabihing sosyal tayo?
- Para mainggit ang iba sa atin?
- Para iparamdam sa iba na can afford tayo?
“Hindi, ah! Kailangan ko lang talaga.”
I understand kung ito’y talagang kailangan natin and again, kung may pera tayo para mangolekta ng gadgets. But if we pressure ourselves to have these things para lang mapansin tayo ng iba, ‘yun ang mali dahil this behavior will just put us in so much debt.
NO CONTENTMENT
Lungkot na lungkot ka kapag wala kang bagong gadget.
Awang-awa ka sa sarili mo kapag may nakita kang bagong gamit sa kasama mo.
Feeling mo na hindi na maganda at nasa uso ang iyong mga gadgets.
Kaya, nagpalit ka ng…
- Kulay
- Size
- Model o Version
Pero ano ba talaga ang layunin ng cellphone?
To call and text, right?
Kung nakakatype ka pa naman, nakakatext, nakakatawag, matutong makuntento. Learn how to settle with what you already have. Kung may gusto tayong palitan o makuha, pag-ipunan MUNA natin ito at HUWAG UTANGIN.
THINK. REFLECT. APPLY.
Bakit ka bumibili ng gadgets?
Dahil sa kailangan mo ba talaga ang mga ito o gusto mo lang magpa-impress?
Ang mode of payment mo ba ay cash or credit?
Ano ang dapat mong gawin para mabawasan ang iyong addiction sa kabibili ng gadgets?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Check on these other related posts:
- HUWAG PA HIJACK SA CELLPHONE ADDICTION
- Utang Now, Pulubi Later
- Impulse Buying Now, Pulubi Later
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.