“Anong masama kung wala akong trabaho? At least, hindi pagod.”
“Kuntento na ako sa ganito. Nakakaraos pa rin naman.”
“May nahihiraman naman ako, eh. Matagal nga lang.”
May mga kakilala ba kayong may attitude na…
- ‘OKAY NA ‘TO.’
- ‘PWEDE NA ‘YAN.’
Instead of aiming for the best, some people settle for less.
“Chinkee, akala ko ba dapat marunong tayong makuntento?”
Oo, totoo ‘yun.
Pero kung alam mong may ibubuga pa naman tayo to improve, be better, and maximize the potential that you’ve been blessed with, then PUSH LANG NANG PUSH! Para naman, hindi masayang ang ibinigay sa ating talento at talino ng Diyos.
Kung sasanayin lang natin ang ating mga sarili na mangutang at manghiram araw-araw, kahit pwede ka namang kumita para sa sarili mo, hindi talaga matatapos ang problema.
At kung mas nanaisin natin na matulog lang at ubusin ang lahat ng oras sa kapapanood ng mga TV series o maglaro ng computer games, hindi talaga giginhawa ang ating mga buhay.
Bakit nga ba may mga taong WALANG GINAGAWA? Dahil ba sila ay tamad? I don’t think so!
- Maaring tamad silang maghanap ng work, pero ang sipag naman nilang makipagbarkada.
- Maaring tamad silang gumawa ng gawaing-bahay, pero ang sipag naman nilang mag-COC at mag-DotA.
Bottomline: Naniniwala ako na walang taong tamad. Instead, may mga taong umiiwas lang sa bagay-bagay. Kagaya ng:
THEY WANT TO AVOID RISKS.
- May bagong opportunity, tinatanggihan.
- May dumating na pagkakakitaan, aayawan.
- May mga offer na ibinigay, tatalikuran.
Ayaw man lang subukan kasi iniisip kaagad na mas mabuti pang umiwas kaysa mabigo.
Ang risk, parang pelikula lang. Hindi natin makikita ang ending kung hindi natin ito tatapusin. Kung hindi maganda, okay lang dahil marami pa namang magagandang pelikula na ilalabas.
Tulad ng risk, tingnan muna natin at kung hindi masyado nag-succeed, use the experience to motivate and try lang uli to know where you’re really destined to be in.
KULANG SA MOTIVATION
Ang ilang signs ng taong depressed ay…
- Parating nag-iisa.
- Nakatanaw lagi sa kawalan.
- Laging mainit ang ulo at naninisi ng iba.
People succeed because they push themselves to move out of their comfort zones. They are willing to choose to explore other possibilities, kahit hindi sila sigurado.
Oo, maaring nakakatakot at walang assurance. But how will we know what’s out there if we’re just standing still. Tama?
Step out of your comfort zone. Ang kulang sa motivation ay maaring isang dahilan kung bakit may ibang napag-iiwanan.
Kung ayaw natin na mangyari ito sa atin, galaw-galaw din ‘pag may time!
THEY BELITTLE THEMSELVES.
Mababa ang tingin sa kanilang sarili…
- “Mahirap lang ako.”
- “Wala naman akong natapos.”
- “Sino ang maniniwala at kukuha sa akin?”
This is where POSITIVITY comes in.
Iba kasi ang nagagawa ng mga salitang:
- “Walang mahirap sa taong maparaan.”
- “Kahit wala akong natapos, masipag naman ako.”
- “Ako ay katiwa-tiwala at maraming magtitiwala sa aking katapatan.”
And believe me, it will happen.
We have a lot of things in mind na gusto nating ma-achieve, pero we only take little or NO action for it at all…
We have a lot of dreams, pero nauunahan tayo ng takot at wala tayong ginagawa.
Lahat tayo ay may gusto mangyari sa buhay natin, pero kung hindi tayo kikilos, none of these would ever happen.
Hindi tayo pwedeng mangarap na walang ginagawa. Naniniwala ako na oras mo na para magsimula.
HUWAG MATAKOT!
HUWAG MANGAMBA!
MAG-UMPISA! MANIWALA! MANALIG SA DIYOS!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay isang tambay ngayon at walang ginagawa?
Masasabi mo bang ikaw ay tunay na masaya at kuntento sa sitwasyon mo ngayon?
Anong aspeto ang dapat mong baguhin para umasenso sa buhay?
Anong plano mo para matupad ito?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.