“Sagot ko na ‘yan.”
“Sige lang, friends. Sky???s the limit!”
“Ako na ang bahala. This one???s on me!”
“Dali, order lang. Huwag kayong mahiya.”
Malamang sa malamang, eh pamilyar na tayo sa mga salitang iyan.
Galante ka bang masyado sa iyong pamilya, kaibigan, o ka-opisina?
Sa halip na ipunin ang panggastos, all-out ka pagdating sa ibang tao?
Walang masama sa pagiging mapagbigay, basta may naitatabi ka
para sa iyong pamilya.
Ang tunay na GALANTE ay marunong magtira para sa sarili.
Alam nila kung saan lang dapat ilaan ang perang pinagpaguran.
Alam rin nila kung sino ang dapat nilang tulungan.
Okay lang kung ito???y makakatulong sa iba, pero dapat tama ang ating motibo sa pagtulong.
Ang pagtulong ay hindi dapat para…
- Sa pagmamayabang.
- Sa pagpapakitang-tao.
- Makuha ang loob ng ibang tao.
…hindi na ito maganda.
Okay lang naman kung napapasaya, nakakasama, o nakaka-bonding natin sila – maliban nalang kung ito na lang palagi ang ginagawa natin.
Kung ang goal ay MAGYABANG at MAGPA-IMPRESS lang, doon na tayo magkakaproblema.
Darating ang panahon, mauubusan ka rin ng pera at walang matitira sa iyo.
Ang tunay na galante ay hindi kailangan magpa-impress. Hindi niya kailangan ipaalam sa iba ang pagtulong niya, dahil ito ay nanggaling sa puso.
Ang tunay na galante ay SECURE sa katayuan ng kaniyang buhay. Hindi siya apektado kung ano man ang sinasabi at opinyon ng iba. Hindi siya pressured na magbigay at magpakitang-tao. Magbibigay siya dahil ito ay kailangan at hindi para ipagmalaki sa mundo na may nagawa siyang kabutihan.
Ang tunay na galante ay mayroong “SENSE of TIMING”.
Alam niya kung kailan siya tutulong at kailan hindi.
Alam niya kung gaano kahirap kumita ng pera at hindi siya pabaya.
Tandaan, walang masama sa pagtulong. Pero kapag ginagawa ito dahil sa kayabangan at kahit walang plano at pera, tiyak na isa lang ang ending: ubos ang ipon at walang pera.
At sigurado rin ako, IT WILL BE A PROBLEM kapag nagpatuloy pa ang ganitong habit. Galante man o hindi, you should learn how to save and budget – this will be our weapon, so we can live a debt-free life and gain financial freedom in the future.
Sige ka! Baka dumating ang araw na maubusan at mawalan tayo ng tuluyan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Galante ka ba?
Sa paanong paraan ka nagiging galante at kanino? Bakit?
Umabot na ba sa puntong wala nang naiiwan sa iyo dahil sa pagtulong?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.