Isa na yata sa mga pinakamahirap gawin ang MAGHINTAY.
Aminin man natin o hindi, nakakainip itong gawin.
- Gutom ka na at kakain ka lang sa fastfood, ang bagal naman ng pila.
- Bibiyahe ka sa EDSA, parang parking lot naman ang highway.
- Magde-deposit ka lang ng pera sa bangko, ang haba naman ng pila.
- Papasok ka sa opisina gamit ang MRT, siksikan at ang haba naman ng pila.
Pagod ka na bago ka pa makapag-report sa opisina!
‘Yan ang feeling at nararamdaman natin araw-araw.
Kaya nga pati sa pag-asenso at pagtagumpay, nahihirapan na rin tayong maghintay.
Minsan kasi, napapatanong na lang tayo: “Hirap na hirap na nga ako sa buhay, pati ba ang pag-asenso, pagtagumpay, at pagyaman ko, mahirap pa ring abutin? Para siyang pila sa fastfood, bangko, at MRT, o para siyang traffic sa EDSA.”
Kung ikaw ay nauubusan na ng pasensya, itong blog na ito ay para sa iyo. Basahin…
Ito ang mga dapat nating tandaan whenever we feel impatient:
KAPIT LANG OR HANG IN THERE.
Hindi porke’t nahihirapan na tayo sa trabaho o pakiramdam natin na ang tagal at feeling mo walang nangyayari, senyales na ito na dapat na tayong sumuko. No.
Ang tagumpay at pag-asenso ay para lang panonood ng pelikula. May pagkakataong nakaka-isang oras at mahigit ka na sa sinehan at napakabagal ng pacing at boring ‘yung pinapanood natin. Minsan naman, gusto mo nang mag-walkout, pero nanghihinayang ka sa bayad mo at gusto mo pa rin namang malaman ‘yung ending. Kung gusto nating makita ang ending ng pelikula, kailangan natin itong tapusin.
Ganoon din sa ating buhay at career. No matter how boring and slow ang paggalaw ng ating…
- Promotion.
- Bonus.
- New clients.
- Recognition, etc.
We need to learn how to be patient. ‘Di natin alam, konting tiiis na lang, konting tiyaga, konting pasensya, at konting panalangin na lang, maaabot na natin ang mga ito. Kapit lang kapatid, kapit lang sa akin, at hindi kita pababayaan. (Parang theme song lang ng ‘Probinsiyano’?)
Huwag kang aayaw. Kasi kung ikaw ay aayaw…
Gaya sa panonood ng pelikula, paano mo malalaman ‘yung ending?
Paano naman ‘yung oras na naigugol mo sa pagtitiis at paghihintay? Kung aayaw ka sa trabaho, career, negosyo, at ginagawa mo ngayon, hindi ba nakakapanghinayang? Pag-isipan mo ito ng mabuti, huwag kang maging emosyonal, bigyan mo ng konting panahon, maglagay ka ng taning, magdasal ka, at humingi ng gabay sa Diyos kung kailan ang tamang panahon para mag-move on.
Kaya kapatid, huwag kang aayaw at huwag ka munang sumuko.
Bigyan mo pa ito ng time at chance.
Maniwala ka! Malapit ka na sa ending ng pelikulang pinapanood mo.
Maniwala ka na nasa dulo ‘yung hinihintay mong tagumpay at asenso.
THINK. REFLECT. APPLY.
Gaano ka na katagal naghihintay?
Naiinip ka na ba?
Nagdasal ka na ba at humingi ng gabay sa Diyos, kung ano ang dapat mong gawin?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.