Nag-aalala ka na baka kulang ang iyong pera.
Baka wala kang pambayad sa upa, pang- tuition,
at pambili ng pagkain.
Natural lang naman mag-alala.
Pero kung nagiging habit na ito ??at lumalabis, unhealthy na ???yan.
Paano mo po malalaman kung ito ay lumalabis na?
- Hindi na makatulog dahil sa pag-alala.
- HIndi ka na makakain.
- Parati ka na lang tulala at tumitingin sa malayo.
- Hindi ka na makapag-isip nang mabuti.
- Parati kang aburido at mabilis kang mainis.
- Hindi ka na nag-eenjoy sa ginagawa mo.
If I just described your situation, you need some intervention.
Hindi mo ito maayos na ikaw ay nag-sasarili.
Kailangan mo ng katuwang at suporta para ito ay malabanan.
Kailangan mong may makausap para magbigay sayo ng tamang payo.
Kailangan mo rin palakasin ang iyong pananalig sa Diyos para malabanan ang lahat ng iyong naiisip at nararamdaman.
Huwag kang patatalo sa negatibong pag-iisip.
Huwag mong isipin na wala ka ng pag-asa.
Huwag mong isipin na walang tutulong sayo.
Huwag mong isipin na ikaw ay nag-iisa.
At huwag na huwag mong isipin na wakasan ang iyong problema sa maling pamamaraan.
Tatandaan mo, may mga taong nagmamahal sayo.
May Diyos na hindi ka iiwanan at pababayaan.
May Diyos pwede gumawa ng himala sa iyong sitwasyon.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kapatid, isa ka bang worrier?
Inaamin mo ba ito?
Ano ang sanhi ng iyong matinding pag-aalala?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related posts:
- WHY WORRYING IS NOT GOOD
- What Kids Can Teach Us About Worrying
- Ultimate Worrier Ka Ba?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.