Isa ka bang miyembro ng The “ABANGERS”?
“Huh? Baka Avengers Chinkee”
Hindi. ABANGERS as in
ABANGERS sa sweldo.
Kabibigay lang nung katapusan,
abang abang na naman sa akinse.
Kawi-withdraw pa lang
nagko-compute na agad ng makukuha
sa susunod na sweldo.
It has been a habit for some of us.
Para kasing dumadaan lang sa palad yung pera.
15-days tayo nagtrabaho bago uli sumahod
tapos sa isang iglap, ayun simot na.
- Naibayad na sa utang.
- Nagasta na sa pagsho-shopping.
- Naipanlibre na sa mga kasama na daig pa ang kandidato.
- At nagamit na sa mga biglaang gastusin na wala sa budget.
KaChink, hindi naman pwedeng
lagi na lang tayo ganito.
Hindi pwedeng lagi na lang tayo tulala
at iniisip kung kailan ito uli darating.
At hindi pwedeng itigil ang lahat
habang ‘di pa nakukuha ang sahod.
Huwag naman sana.
Dapat…
MATUTO TAYONG MAGBUDGET abangers
(Photo from this Link)
Para na ata akong sirang plaka
pero ito kasi yung nakalilimutan nating gawin.
Ngayon pa lang, gumawa na ng checklist
at ilagay ang desired amount na nakalaan para dito.
- Savings P1,000
- Tubig P200
- Kuryente P500
- Grocery P1,500
Para hindi kung saan saan napupunta
yung perang kinikita natin.
ang problema kapag walang budget
wala tayong idea kaya tayo mismo nagugulat sa huli.
With budgeting,
alam natin kung alin ang pwede alisin o bawasan
at hindi tayo nanghuhula lang.
MAXIMIZE WHAT YOU CAN STILL DO abangers
(Photo from this Link)
Ibig sabihin ba, kapag walang sweldo
wala na din tayong gagamitin?
Kapag na delay,
tigil na ang lahat?
Hindi na tayo kakain, gano’n ba iyon?
Of course not.
Hindi natin maiiwasang ma delay ang sweldo,
minsan, sira pa ang ATM kaya
hindi kaagad tayo maka withdraw,
o kaya, sarado na yung banko,
hindi natin napapalit ang cheke.
Para hindi tayo natatakot o nangangamba
hanap pa tayo ng isa pang pagkakakitaan.
‘Di naman kailangang full time o
kalakihan ang kita.
Ang importante, may madudukot tayo
habang wala pang sweldo.
HUWAG ONE DAY MILLIONAIRE abangers
(Photo from this Link)
Ang sarap sa mata yung pagkakuha
parang ang dami dami nating pera noh?
Ang daming tig-i-isang libo at limang daan
kaya para tayong hinihikayat
na gamitin ng gamitin.
Pero going back,
nakalaan na ito sa mga nilista natin sa budget
kaya hindi na natin pwedeng gastahin.
Kung akala natin WALA, WALA, WALANG paggagamitan
puwes—MERON, MERON, MERON.
Kaya hinay hinay lang.
Unahin muna ang dapat unahin
bago pa man ito mapunta sa wala.
Maging #Iponaryo para Umasenso! Join the movement!
Click here now: chinkeetan.com/ipon
“Iwasang maging miyembro ng “The Abangers”
para hindi sumakit ang ulo sa kahihintay sa next sweldo.”
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Miyembro ka ba ng The Abangers?
- Bakit? Saan napupunta ang sweldo?
- Anong pwede gawin para magkaroon ng emergency fund?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
UPCOMING SEMINAR
RAISING MONEYWISE KIDS PRESENTS:
“HOW TO RAISE ENTREPRENEURIAL KIDS IN 10 EASY STEPS”
Live Event: http://bit.ly/2FoZSD1
Team Bahay/ Team Abroad: http://bit.ly/2r5XaOb
=====================================================
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“Things to Consider in Opening a Small Business”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2rtt6wq
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.