Isa ka na ba sa mga ganap na Titos and Titas of Manila?
Damang dama mo na ba na parang
tumapak ka lang sa adulthood eh
napakarami mo ng responsibilidad
na dapat gampanan?
Ang bilis ng panahon noh.
Dati problema lang natin
kung anong oras gigising,
anong oras kakain, o anong oras
lalabas ng bahay para makipag laro.
Napaka simple ng buhay.
Samantalang nung nagka edad edad na…
Nung finally naka labas na tayo sa realidad…
magtataka na lang tayo bakit bigla
parang ang dami dami na nating problema
especially pagdating sa pera.
Biglang naging kumplikado ang buhay.
Nakaka-overwhelm lalo na pag sabay-sabay.
Kailangan…
- Matuto na mag-budget
- Timbangin ang needs at wants
- Magbayad ng sarili nating bills
- Marunong humindi sa hindi naman importante
- Mag-ipon para sa kinabukasan
- Magbayad ng utang
…at iba pang major decisions.
Pero, nandito na ito,
Hindi natin pwede takasan at sabihing
“Time pers!”
Hindi naman ito parang laro na pwedeng huminto
dahil totoong buhay na ito.
Bilang adult, how should we face these things?
TAKE ONE STEP AT A TIME adulting
(Photo from this Link)
Things are complicated as it is.
Gusto man nating pagsabay-sabayin
para matapos na lahat, unfortunately,
hindi ito matatapos.
Patagal ng patagal, mas nagiging kumplikado.
The more we age, the bigger the responsibility is.
Kaya dapat mas maging maingat tayo,
lahat pag-iisipan, at lahat dadahan-dahanin
para walang mapabayaan sa huli.
OKAY LANG MAGKAMALI adulting
(Photo from this Link)
Karamihan sa atin ayaw na ‘tumanda’
dahil baka sa sobrang bigat ng responsibilidad,
hindi na makayanan at mag fail sa dulo.
Pero ito ang sasabihin ko sa inyo…
OKAY LANG MAGKAMALI!
Kung nagkautang tayo dahil inuna natin noon ang pamimili ng hindi kailangan…
OKAY LANG dahil next time, matututo na tayo mag-control.
Kung kinapos tayo sa budget kahit malayo pa ang kinsenas o atrenta…
OKAY LANG dahil sa susunod, alam na natin na
importante pala talagang nakalista ang lahat
para may idea tayo saan napupunta.
Kung sa una, pangalawa, o tatlong taon hindi man lang tayo nakaipon…
OKAY LANG, at least ngayon, pwede na natin ito simulan.
Don’t be afraid to make mistakes.
Mistakes mold us to become better.
Ang importante dito ay yung lessons at
hindi yung pagkakamaling nagawa.
HUMINGI NG TULONG adulting
Huwag natin solohin lahat.
Huwag nating lunukin ang pride
dahil sabi ko nga noon,
masakit sa lalamunan kapag
bareta ang nilunok. Hahaha.
No, What I mean is
kung hindi na keri,
kung feeling natin masyado ng mabigat,
at parang mawawala na tayo on track…
Sigaw kaagad ng DARNA!
Este, ‘TULONG!’
Let’s seek for help dahil
yung pinoproblema natin, napagdaanan na ng iba.
Allow them to guide us para
hindi tayo mawala.
Hindi naman ito sumisimbolo sa kahinaan,
instead, we are brave enough to admit
that there are things that we can’t do alone.
“Adulting is REAL
lalung lalo na ‘pag nakikita mo yung patong-patong na BILLS.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- What makes you overwhelmed bilang adult?
- Ano yung mga kailangan mo ihingi ng tulong?
- Ano yung mga dapat unahin?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“SANA”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2p2xD7A
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.