May mga taong takang-taka kapag nagiging successful
ang ibang mga tao. Hangang-hanga kapag mula sa
mahirap at ngayon successful na at mayaman na.
Tapos nagtatanong: Paano nangyari yu’n?
Minsan kasi naghihintay na lang kung paano nangyari
ang mga bagay imbes na gawan natin ng paraan.
Parang magic na bigla na lang sila umasenso at yumaman.
Pero magic nga ba? Let me share some practical ways to
manage our money and make you know that it’s not magic.
DON’T SPEND MORE THAN WHAT WE EARN
Yes. Don’t live the lifestyle of the rich kung hindi pa naman.
Tipid-tipid muna. Let’s think of the future and long term goal
para hindi yayamanin now then pulubi na later.
Alam naman natin ang kinikita natin kada buwan kaya
magagawan natin ng budget plan ito. Unahin dapat natin
ang talagang kailangan ng ating pamilya to survive.
“Eh Chinkee, minsan lang naman kami mag-outing.”
“Birthday kasi ng anak ko. Gusto ko bongga.”
“Makaiipon pa naman kami sa susunod.”
Naku kung ganito ang mindset natin, kada buwan may
excuse tayo kung bakit nag-exceed tayo sa gastos natin.
Gagawa tayo ng dahilan para next time na lang ang ipon.
Outing pa more pero pagdating ng pasukan, wala nang
pang-tuition o pambili ng mga gamit sa eskwela. Bongga
na birthday tapos kinabukasan nganga na. Gets n’yo?
Kailangan we..
DON’T NEGLECT CHECKING OUR CASH FLOW AND BUDGET
Stick tayo sa budget natin at kailangan alam din ito
ng ating mga anak. Mahirap kasi na tayo mismo ang
nagpapadala rin sa kung ano ang gusto ng anak natin.
Hindi naman masama ito. Bilang magulang gusto natin
na mabigay sa kanila ang gusto nila. Pero kung out of
the budget na, paano na? Uutang na tayo?
Remember that debt is never a solution. Uutang tayo
hanggang sa magpatong-patong na. Hanggang sa
hindi na natin alam kung alin ang uunahin.
Then we will be frustrated and desperate… mahirap
‘di ba? Kung sa simula pa naman alam natin kung paano
maiiwasan at masusolusyunan kaso ‘di natin ginawa.
So don’t let your finance control you. Ikaw dapat ang
mag-control sa finance mo. Always do the budget and
check the cash flow, walang masama kung gagawin ito.
Especially that we..
DON’T EXPECT THAT SAVINGS WILL GROW INSTANTLY
Mahirap mapalago ang savings kung lagi tayong bubunot
sa savings at lalong mas mahirap mapalago kung wala
naman tayong nailagay sa savings natin.
So maliban sa pagtitipid at sa pag-budget, we need to save.
Then kapag nakapag-save na tayo, let’s do the investment
or business to make our money grow.
Pwede tayong pumasok sa mutual fund or UITF sa banks.
Pwede rin sa stock market. Pero dapat may nakalaan na
pera talaga para sa investment or para sa business.
Hindi pwede na yung pang-grocery natin o pang-tuition
ng anak natin ang ilalagay natin for investment or
business dahil dapat may ibang ipon para doon.
Ang investment ay para sa long term. Kung gusto natin ng
short term, pwede ang business para may makukuha agad
tayo na kita. Mahalaga na dapat alam natin ang ating pinasok.
“Hindi magic ang success ng isang tao
dahil mahalaga ang kaalaman para umasenso.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga priorities n’yo bilang isang pamilya?
- Paano kayo mag-budget bilang isang pamilya?
- Anu-ano ang maaari ninyong pasukin na investment o business?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.