Alam niyo ba yung taong may utang na kapag sinisingil,
sila pa yung mabilis na nakakalimot?
“Ay! May utang pala ako?”
“Sorry ha. Magkano nga ulit?”
“Hala! Nakalimutan ko. Pwedeng bukas na lang?”
Pagtapos, pagdating ng bukas…
“Ay hala! Nakalimutan ko na naman. Pwede bang bukas?”
“Pramis. Bukas na talaga…”
Never ending na bukas lang? Unlimited?
Hay… Sila yung alam na may utang na dapat bayaran,
pero kunwari ay nakakalimot o yung joke pa nga…
ALAM na nga pero kunwari nagka-amnesia = ALAMNESIA!
On the other hand, minsan ganito rin ba tayo?
Minsan ko ring naisip, baka ang isa sa dahilan
kung bakit may iba na nakakalimot pagkatapos mangutang…
NAREALIZE NILA NA HINDI PALA NILA KAYANG BAYARAN ANG INUTANG alamnesia
(Photo from this link)
There are some instances na kapag nailagay tayo
sa isang nakakaipit na sitwasyon,
we decide abruptly and impulsively.
Halimbawa:
Short tayo ngayon sa pera nang biglang nangailangan
ang pamilya ng pambayad sa pagpapa-ospital ni kapatid.
Kaya’t ang diskarte? Nangutang muna sa kaibigan.
“Next month kita babayaran ha…”
Then we later realize, hindi pala natin kayang bayaran ang inutang.
Kaya’t imbis na harapin ang taong inutangan
at i-explain ang sarili nang may tapang at lakas ng loob,
nagagawa nating umiwas na lang dahil sa kahihiyan.
LET’S TRY TO THINK THINGS OVER AND OVER BEFORE MAKING DECISIONS alamnesia
(Photo from this link)
Not just once, twice or thrice but over and over again.
Better if we can have someone we trust much to advice us.
They can be our parents, mentors and trusted close friends.
Hindi rin naman talaga madali magbitaw ng desisyon
kung pera ang pag-uusapan.
Lalo na kung mangungutang tayo sa kamag-anak natin,
o kung sa mga taong sobrang malapit sa atin.
Tapos ang magiging ending,
malalamatan ang personal are relationship
dahil lamang sa hindi pagbabayad ng pera.
Let’s try to consider things first before deciding agad-agad.
SUBUKANG MAGHANAP NG IBANG PARAAN KAYSA SA MADALAS NA PANGUNGUTANG
(Photo from this link)
Instead of going the usual o nakasanayan na pangungutang,
why not try to process loans from mutual funds
or government funded programs?
O kaya naman bago pa magkaroon
ng hindi inaasahang mga pangyayari
Tulad ng pagkaka-admit sa ospital,
aksidente (pero ‘wag naman sana) at iba pa,
bakit hindi tayo mag-invest na sa insurance?
Maraming magaganda at trusted insurance companies ngayon.
Kailangan lang nating mahanap kung ano ang most suitable sa need natin.
With all these things, the bottomline is…
Huwag sana nating takbuhan o iwasan
yung mga pinagkakautangan natin.
Dahil katulad nila, sila ay nangangailangan rin.
“ALAMNESIA” Ang tawag sa taong alam niya na may utang siya pero kinakalimutan pa ring magbayad.
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Are you being “ALAMNESIA” at times?
- Ano ang ginagawa mo kung may naniningil na sayo?
- Hinaharap mo ba ng may katapatan at bukas na puso?
=====================================================
WHAT’S NEW?
BAGONG TAON, BAGONG BUHAY
January 5, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7XiONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.