Nakikitaan n’yo ba ang mga anak n’yo
ng talento sa pag-iipon?
Sila ba ay masinop, matipid, at
marunong pahalagahan ang pera?
O sila ba ay waldas, walang preno,
at buhay mayaman?
- Ang money gift, diretso sa pagbili ng gadget o damit
- Yung allowance, ubos kaagad
- Sa grocery, walang preno sa pag dampot
- Nagmamaktol kapag hindi nabilhan
Nako, warning signs na ito na
kailangan na natin silang MAS
gabayan pa sa paghawak ng pera.
Magandang opportunity yung habang bata pa
eh alam na nila yung kahalagahan ng pera.
Gaya nga ng sinasabi nating ‘Matatanda’,
hindi natin pinupulot ang pera para
masayang at maubos lang ng basta basta.
Mas maaga, mas maganda.
Para ‘pag labas nila ng bahay o
kapag malaki-laki na sila
they already have the discipline and control.
Maski wala tayo sa tabi nila,
conscious na sila sa kanilang kinikilos.
Certified #MoneyWiseKids!
Paano ba natin ito sisimulan?
BE A GOOD ROLE MODEL
(Photo from this Link)
Kapag gastador tayong magulang,
Marahil magiging gastador din ang mga anak.
Dahil kung ano ang nakikita nila,
Yun ang gagayahin nila because
they look up to us.
At kung matipid tayo at magaling humawak ng pera,
magiging matipid at wais din sa pera
ang ating mga anak.
Which is which?
Yung una, o yung huli?
Hopefully, yung huli.
Let us show them how it should be done.
Ipakita natin na:
Sumusunod tayo sa listahan.
Kapag hindi importante hindi natin binibili
at ayaw na ayaw natin yung bibili ng wala naman sa budget.
HUWAG MAGPADALA SA AWA AT IYAK
(Photo from this Link)
Nako talaga namang nakakaawa ang mga anak
lalo na kapag umiiyak na sila o kaya
yun bang nag pa-puppy eyes.
Aah! Nakadadala!
Nakalalambot ng puso.
Kaya tuloy minsan, para tayong
nahi-hypnotize at napapapayag sa
gusto nilang bilhin.
Pero minsan kailangan nating
tibayan ang ating kalooban at
magsabi ng ‘NO’.
Hindi lahat pagbibigyan.
Hindi lahat idadaan sa awa.
Dahil kapag sila’y nasanay
aakalain nilang madali lang makuha
ang kahit anong bagay.
“Iyakan ko lang si Daddy, bibigay na ‘yan eh..”
“Huwag ko lang s’ya kausapin, lalambot na ‘yan.”
“Tignan mo, sila din susuko sa akin.”
It doesn’t work that way.
Lahat pinaghihirapan.
Walang shortcut.
Kung may gusto, pagsisikapan at
hindi iiyakan.
IPAINTINDI SA KANILA KUNG BAKIT
(Photo from this Link)
Mommies and Daddies, bakit ba natin gusto mag-ipon?
Hindi ba dahil gusto natin sila
bigyan ng magandang kinabukasan at
para mamuhay ng kumportable?
Ano ba ang kumportable para sa atin:
- Yung may malinis na tubig at kuryente
- Walang humahabol na naniningil
- May maayos na tirahan
- Kumakain ng tatlo o higit pang beses isang araw
- Magandang eskwelahan
- Hindi baon sa utang
Iyon ang kumportable.
Iyon ang reward sa pagiging wais natin.
At iyon ang kailangan nilang maintindihan.
Once na tumatak ito sa kanilang isipan
madadala na nila ito hanggang sa paglaki nila.
“Turuan ang mga anak na Mag-ipon upang ang Buhay nila
ay Maging Maayos at Umunlad pagdating ng Panahon.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang attitude ng inyong mga anak pagdating sa pera?
- Magandang ehemplo ba tayo sa kanila?
- Paano natin sila gagabayan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off + 2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: http://bit.ly/2F3GwHa
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 MYTHS UNCOVERED ABOUT MONEY”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2thQhwP
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Click here: http://bit.ly/2ovAfKo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.