Pinagsabihan mo na, ayaw pa makinig!
Pinaalalahanan mo na, ayaw pa din gawin.
Concerned ka lang naman, siya pa ang galit.
May mga taong sadyang matigas lang ang ulo.
Bakit nga ba may mga taong ganyan?
San ba sila galing?
FEELING MAGALING
Feeling lang!
May mga kakilala ba kayong feeling magaling lang, pero sa totoo lang wala namang alam.
Yan siguro ang isa sa pinakamahirap na sabihan.
Dahil nga, ang paniwalang-paniwala siya na palagi siyang tama.
FEELING MARUNONG
Kahit ano ang sabihin mo, walang papasok, dahil mahirap na punuin ang basong puno na ang laman.
Tatapon lang ito!
KAYABANGAN
“Bakit ko siya susundin?”
“Sino ba siya?”
“Anong alam niya?”
Ang mga taong matigas ang ulo mataas ang tingin sa sarili.
Some say it’s confidence but in reality, it is PRIDE.
We need to know kung saan sila nanggagaling, para maging epektibo tayo in dealing with these type of people.
“Di mo kayang baguhin ang iba pero kaya mong baguhin kung paano ka makikitungo sa kanila”
–Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino kilala mong matigas ang ulo?
- Alam mo ba kung ano ang pinanggagalingan nila?
- How do you deal with them?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.