Isa sa mga taong nakakapagod kasama ay ‘yung REKLAMADOR.
Wala nang ibang ginawa kung hindi umangal.
Hayyy! Nakaka-stress!
Pero tayo mismo, nagrereklamo rin.
Kung walang kita, complain diyan. Kapag maliit naman ang kita,
whine pa more.
Eh kung papipiliin ka, ano ang gugustuhin mo?
Hindi ba ‘yung “MAY KITA”?
Sa panahon ngayon, mahirap talagang kumita ng pera.
Minsan, may kita ka nga, pero parang dumadaan lang lahat sa kamay mo dahil sa sobrang dami ng gastos.
Nagtataasang presyo ng mga bilihin, pamasahe, gasolina, tuition fees, at kung anu-ano pa.
Worse, ang sahod natin, parang baradong kanal. Hindi man lang umuusad, hindi man lang nadadagdagan.
Kaya naman ang iba sa atin, hindi maiwasang mag-ingay sa kakareklamo.
May kita man o wala, parang parehong walang pakinabang.
Bago tayo tuluyang mag-ingay sa kaka-complain, allow me to encourage you to do the following:
LOOK AROUND.
Magmasid tayo sa paligid natin.
May pamilyang nakatira sa kariton.
May mga batang nagkakalkal ng basura.
May mga nakaratay sa banig ng karamdaman.
Kahit papaano, mare-realize mo na mapalad ka pa rin dahil may mas mabigat at mas matindi ang pinagdadaanan kaysa sa iyo. May iba na wala na ngang kita, wala pang kakayanan at abilidad kumita o maghanap ng pangkabuhayan.
LOOK AT THINGS FROM A DIFFERENT PERSPECTIVE.
Always look on the brighter side of life.
Kadalasan kasi, nakatingin lang tayo sa pangit, sa mali, sa kulang – sa mga bagay na wala tayo.
We fail to be thankful for the things that we have.
Sa halip na tumingin tayo sa bagyo, hanapin natin ang bahaghari.
Sa halip na tumingin tayo sa madilim na kalangitan, tumingin tayo sa maliwanag na buwan.
When we change the way we see things, it will change our lives forever.
LOOK UP.
Kahit gaano kahirap ang buhay natin, we can always look up and ask God for help.
Hindi Siya natutulog at nakikita Niya ang kalagayan natin.
Naririnig Niya ang bawat hinaing natin.
Nakikita Niya ang bawat luha na pumapatak sa ating mga mata.
Alam Niya ang lahat ng pangangailangan natin.
Malaya tayong makakahingi ng tulong sa Kanya.
Hindi Niya tayo bibiguin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Have you tried looking around?
How do you see things from your perspective?
Nasubukan mo na bang humingi ng tulong sa Diyos?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these other related posts:
- IDENTIFYING NON-INCOME GENERATING EXPENSES
- DELAYED BA ANG INCOME MO?
- PAANO BA MAPAPALAKI ANG INCOME KO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.