May mga kakilala ba kayong mga taong makukulit?
Naalala ko tuloy noong bumibiyahe kaming papuntang Baguio.
Mga bata pa ang mga anak ko and it will take around 5 to 6 hours travel time.
Noong kalagitnaan ng behave, may isa sa mga anak ko ang nagtanong, “Papa, are we there yet?”
“No, we are still far.”
(After 10 minutes, may nagtanong ulit.)
“Papa, are we there yet?”
“No, we are still far.”
(After another 10 minutes, may nagtanong ulit.)
“Papa, are we there yet?”
“No, please be patient. Please stop asking”
(After another 15 minutes, may nagtanong ulit.)
“Papa, are we there yet?”
(Medyo pasigaw na.)
“Please, stop asking, we are still far from baguio.”
“Papa, why are you impatient, I am just asking!?”
Hayyyy!!! Nakakabaliw sila!!!
Na-experience mo na ba ito?
Tanong na lang ng tanong at hindi ka titigilan hanggang di ka sumasagot.
Sunod na lang sila ng sunod na parang mga asong nakabuntot.
Nagpupumilit na sumiksik para makuha ang atensyon mo.
Ito ba ay kasama mo sa school, trabaho o nakatira sa loob ng pamamahay mo?
The reason ikaw ay kinukulit ay dahil meron silang gusto.
Kapag ito hindi mo ibinigay, hindi ka nila tatantanan.
Gagawi nila lahat para mainis ka at umoo ka na lang sa gusto nila.
Actually ang pagiging MAKULIT is good, this is otherwise called as PERSISTENCE.
You need that specially in the field of sales. Wala pang benta ang nasasara dahil hindi ka nag-follow up.
Pero dapat malaman mo naman kung ano ang difference at yung fine line ng PERSISTENCE vs. PAGIGING MAKULIT.
Paano mo malalaman kung ikaw ay nagiging MAKULIT?
Minsan tayo mismo hindi natin napapansin na tayo ay nagiging makulit.
Naiinis na sa iyo ang mga tao. Kung hindi mo siya napapansin, another sign is ikaw ay INIIWASAN na. Tuwing ikaw ay papas bilge naglalaho ang mga tao. Tuwing kakausapin mo maikli parati ang sagot. At kung kinukulit mo, ang sagot sa iyo, “Mamaya mo na ako kausapin, busy ako eh!”
Ang pagiging MAKULIT ay nagdudulot ng:
PRESSURE at STRESS sa ibang tao.
At ayaw mong dumating ang time na iiwasan ka na ng mga tao, lalo ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo.
Let us pray and be sensitive at suriin nating ating sarili kung minsan tayo ay nagiging makulit.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang ginagawa mo sa mga taong makukulit?
How about you, napapansin mo na rin ba na bumoborder ka na rin sa kakulitan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check out these related posts about dealing with difficult people:
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
- How To Deal With People Na Walang Sense Kausap
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.