May mga kakilala ba kayong mga tao na ang plano ay maging mahirap?
“Alam mo ba ang plano ko sa buhay? Ang mabuhay ng mahirap, maging taong grasa, at tumira sa kalsada.”
Nakakatawa mang isipin, pero kahit walang tao ang nagpa-planong maghirap, ang tanong, may mga kakilala ba kayong mga tao na parating kapos, at noong tumatanda lalong naghirap?Ang tanong ay bakit?
Ang isang dahilan ay dahil sa …
MALING AKALA
Dahil lumaki sa hirap, ang naging MINDSET at AKALA niya ay wala nang pag-asa na yumaman. Dahil walang kakayanan na makapag-aral, ang AKALA niya ay wala nang ibang paraan para maka-ahon sa buhay.
Ang AKALA niya ay MALABONG matanggap sa trabaho dahil hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral.
Pero ang lahat na yan ay isang MALING AKALA. Si Manny Pacquiao ay pinanganak na mahirap at hindi nakapagtapos din ng kanyang pag-aaral. Ang famous inventor na si Thomas Edison ay may tatlong buwan lang na formal school. Aside sa tinuruan na lang siya ng kanyang nanay sa bahay, nag SELF-STUDY rin siya.
Kasi kung gusto talaga, MAY MGA PARAAN. Kung ayaw, maraming DAHILAN.
Importante lang talaga na magkaroon ng positive and success na mindset.
Another possible reason ay dahil sa …
MALING DESISYON
Dahil lubog sa kahirapan at parating napre-pressure sa buhay.
Nandun ang TENDENCY na hindi makapag-decide ng tama.
Tipong pag nangailangan ng pera, ang unang pumapasok sa utak ay MANGUNGUTANG. Laging yan ang naiisip na easy way out. Kaya lubog na nga sa hirap, lalo pang nalulubog dahil sa mga kautangan.
Dahil sa sobrang desperado, hindi na nakakapag-isip ng tama at doon na nakokompromiso ang VALUES.
Lastly, ito ay dahil din sa …
MALING DISKARTE
Sa sobrang tagal na nabubuhay sa kahirapan, so ang tanging parating nasa isip ay yung “EASY” money. Ayaw mahirapan sa pagkayod, ang pinagpa-planuhan ay kung ano ang pwedeng pasukan na pwedeng biglang yumaman.
At kung ito naman ay naka-JACKPOT. Ang problema dito ay nagiging “one-day millionaire”. Dahil sa tingin ay ganun lang kadali kitain ang pera, ganun din kadali WAWALDASIN ang mahahawakang pera.
Maling diskarte ang mag “Go With The Flow.”
Kung ayaw mong tumanda na walang ipon, don’t worry. You still have TIME para itama yung mga mali mong nagawa kaya ka naghihirap ngayon.
Ang kailangan mo lang gawin ay MAGTIWALA na kaya mong umangat sa buhay kahit pa lubog na lubog ka na sa kahirapan.
MAGDESISYON ka na ng tama at huwag mo nang ulitin ang mga alam mong maling desisyon na iyong nagawa.
At umpisahan mo nang MAGPLANO gaya ng paggawa ng budget at be disciplined to follow it. Para kahit magkano ang iyong kinikita, hindi ka mahihirapan na pagkasyahin ito.
THINK. REFLECT. APPLY.
Naniniwala ka ba na kaya mong umahon sa kahirapan?
Anong ginagawa mo para hindi manatiling maghirap?
Ano pang ibang plano mo para malagpasan ang paghihirap?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check on these related posts on how to be successful:
- How To Make Wise Decisions
- “EH WALA AKONG CHOICE” EXCUSE.
- WORST MONEY MISTAKE ANYONE CAN MAKE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.