Bugtong-bugtong, “Nadadama, pero hindi nakikita.
Pwedeng maangkin nang walang nilalabas na pera.”
Ano kaya ito? Pwede daw maangkin
na kahit walang nilalabas na pera.
Ever wondered anong bagay
ang hindi kayang bilhin ng pera
kahit pa sabihin na tayo
ang pinakamayaman sa buong mundo?
Sabi nga ng isang karakter sa librong nabasa ko dati,
“It is only with the heart that one can see rightly;
what is essential is invisible to the eye.”
This still makes sense to me.
Sa panahon ngayon na halos lahat
ay kaya nang bilhin ng pera.
Ano pa nga ba ang hindi? Still, I say…
TUNAY NA KALIGAYAHAN BAGAY
(Photo from this link)
Cliché man kung pakinggan,
pero nakapag-muni-muni ba tayo lately
kung yung kaligayahan na meron tayo ngayon ay tunay?
Madalas marami sa atin ang magsasabi na lang
ng “oo” without even really thinking.
But I’m not pertaining to a happiness
that can be easily found sa pag-na-night out,
sa concert, sa blind dating, sa shopping atbp.
Dapat yung kaligayahan na genuine, not temporary.
TUNAY NA PAGMAMAHALAN BAGAY
(Photo from this link)
Sabihin niyo na ulit na cliché ito.
Pero aminin natin, hindi lahat nakakaranas nito.
May iba sa atin na siguro’y hanggang ngayon
paulit-ulit na tinatanong sa sarili,
“Kamahal-mahal ba ako?”
Mga KaChink, ang tunay na pagmamahalan
ay hindi nadadaan sa libre, sa ilang beses nang pagpapautang,
o kaya naman ay sa kagandahan ng katawan at mukha.
Ang tunay na pagmamahalan ay pwedeng makita
sa pamilya at sa mga taong walang hinihinging kapalit.
Handang magsakripisyo ng oras at pera.
Kahit sabihin pa na nagsasayang lang sila.
TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN BAGAY
(Photo from this link)
Para sa taong naghahanap
ng masasandalan sa gitna ng pag-iisa,
mapagkakatiwalaan sa gitna nang mga pagdududa,
at tunay na kaibigan sa gitna
ng mga taong kilala lang tayo kung may kailangan.
Kung makahanap tayo ng ganitong klaseng kaibigan
at magkaroon ng pagkakaibigan na worth for keep,
para na rin nating dinaig ang winner sa lottery.
Sabi nga nila, “True friends are rare to find.”
So if we have one for now, keep it and nurture it.
Mahirap ibalik ang panahong lumipas na,
at lalong hindi mabibili ng pera ang pagsasama.
“Mayaman man kung tayo ay tawagin, hindi lahat ay mabibili natin. Madalas, ang hindi nabibili ng pera ang siya pang tunay na nakakapagpasaya sa atin.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Para sayo, ano ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera?
- Meron ka na ba ng mga ito sa ngayon?
- O patuloy mo pa ring hinahanap?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneur
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“BLACK FRIDAY SALE! BUY 1 TAKE 1 ON ALL VIDEO COURSES TODAY!”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2OYzIf3
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.