As we end the year 2014, lahat tayo ay may sari-sariling mga tradition at pamahiiin.
Some celebrate it by lighting fire crackers para daw itaboy ang masasamang espiritu.
Some are wearing POLKA DOTS, kasi it represents daw MONEY. More POLKA DOTS, more MONEY. Di naman nila alam na ang POLKA DOTS represent BARYA. Kaya pansinin mo, wala na ang nag-POPOLKA DOTS.
Para sa mga iba, tumatalon naman sila para tumangkad. Pero kahit anong lundag, wa epek pa rin!
In every family, meron silang sari-sariling tradition. Para sa amin it has been over 15 years that we practice a different kind of tradition.
Nais ko lang i-sahre sa inyo kung ano ang aming ginagawa tuwing end of the year:
WRITE TEN THINGS THAT WE ARE BELIEVING GOD FOR
Ginagamit namin ang pagkakataon upang isulat ang most IMPOSSIBLE things that we are believing God for. Ang paniniwala po namin, “Maaring IMPOSSIBLE po sa tao pero hindi IMPOSSIBLE sa Diyos.”
The things we write ay mga bagay na impossible, ika nga, sky is the limit. Nagkakaroon lang tayo ng limitation hindi dahil sa kulang ang ating talent or resources.Hindi natin nakakamit ang ating ninanais sa buhay dahil kulang lang tayong mangarap. Turning dreams into reality does not depend on the size of your resources, but on the size your dreams.
REVIEW THE THINGS WE BELIEVED GOD HAS DONE LAST YEAR
Nagbabalik tanaw kami kung ano ang mga isinulat namin at pinaniwalaan kung ano ang pwedeng gawin ng Diyos sa aming buhay.
Kung ano man ang natupad at kung pa ang hindi. Para sa mga hindi, tinutuloy lang namin na darating ang panahon ay makakamit din namin kung ano man ang yoon.
WRITE TEN THINGS THAT WE ARE GRATEFUL FOR
Sinusulat namin ang mga bagay na nais at pwede naming PASALAMATAN sa Diyos sa nakaraang taon. Mas maganda na mag-focus sa mga bagay na pwedeng pasalamatan kaysa sa mga bagay na pwedeng nating ireklamo.
Ginawa na naming panata na matutong MAGPASALAMAT kaysa sa MAGREKLAMO.
THINK. REFLECT. APPLY.
This is my DREAM CHALLENGE for you this year of 2015:
Magsulat ka nang 10 IMPOSSIBLE DREAMS mo sa isang pirasong papel.
Ilagay mo sa isang lugar na hindi siya mawawala.
I-share mo rin ito sa mga mahal mo sa buhay.
Ipag-pray mo rin ito, para pagpalain ito ng Diyos.
Are you ready to take up the CHALLENGE?
I-share o I-tag mo itong blog na ito sa at least 3 of your friends na alam mo ma-eencourage sila sa blog na ito.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate trainer to different organizations.
Did this article inspire you to start a better year? Check out these other related posts to help you prepare for more:
- A Fresh Start
- 3 THINGS YOU NEED TO CREATE TO HAVE A SUCCESSFUL 2017
- ARE YOU FEELING LOST
- Ano Ang Pagbabago Na Gusto Mong Mangyari Sa Buhay Mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.