Katatapos lang ng bagyo na dumaan sa ating bansa. Naalala ko rin nung bagyong Ondoy. Iba talaga ang nangyari noon. Ngayon, mas naghahanda na tayo sa mga bagyo.
Parang ganyan din sa buhay natin. Kapag may malakas na bagyo na dumating sa buhay natin, talagang matindi ang naiiwan nitong aral sa atin.
MAS NAGHAHANDA
Natututo tayong maghanda nang mas maaga dahil alam na natin ang pinsalang maaaring maidulot nito sa atin. Mas nagiging mahinahon tayo kapag alam nating napaghandaan na natin.
Pero alam din naman natin na ang bagyo, malakas talaga ito, kaya kailangan na siguraduhin nating ligtas ang mga mahahalagang tao at mga bagay sa ating buhay.
Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang lahat ng mga paalala na ating naririnig sa balita at maging sa mga aral mula sa ibang mga tao sa ating paligid.
MAS ALERTO
Mahalaga rin na nagiging mas alerto na tayo sa mga pinagdadaanan natin sa buhay. Hindi na natin dapat balewalain ang mga alam nating magdudulot ng kapahamakan sa atin.
Mas nagiging maparaan na rin tayo sa pagtulong sa ibang mga tao at sa paghahanap ng solusyon sa sarili nating problema.
Mas nadadagdagan na rin ang ating kaalaman para maka-survive sa kahit anong bagyo na dumating sa ating buhay. Kaya dapat ay naibabahagi rin natin sa iba ang ating mga kaalaman.
MAS NAG-IIPON
Syempre hindi lamang pera ang ating iniipon. Mahalaga rin na makapag-ipon tayo ng mahahalagang kaalaman. Kung sa totoong bagyo man, dapat nakapag-ipon na tayo ng mga pagkain o inumin kung sakali mang ma-stuck na tayo sa loob ng ating bahay.
Ganyan din sa ating buhay. Mahalagang makapag-ipon tayo ng emergency fund natin upang sa gayun, sa mga hindi inaasahang pangyayari ay may makukuhanan tayo.
Nandyan din ang pag-iipon para sa ating retirement fund, o kaya naman sa educational fund ng ating mga anak. Lahat ng mga mahahalagang bagay sa buhay natin ay kailangan pinaghahandaan at pinag-iipunan.
“Ang bawat bagyong dumarating ay nag-iiwan ng alaala
na kailangang kunan ng aral at huwag ipagwalang-bahala.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-anong bagyo ang iyong nalampasan sa buhay?
- Paano mo ito nalampasan at napagtagumpayan?
- Sinu-sino ang mga taong tumulong sa ‘yo upang ikaw ay maka-survive?
———————————————————-
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.