“Grabe ang sakit ng kanilang ginawa at sinabi sa akin.”
“Wala na silang tinira sa akin, pati yung pagkatao ko sinira na nila!”
Masakit ang ma-traydor.
Masakit kung may nanira sayo.
Kung ikaw ay nasaktan, ang hirap magpatawad.
Bakit nga ang hirap magpatawad?
Hindi kasi natural na reaksyon ang mag patawad, mas natural sa atin ang magalit, mainis at gumanti kung ikaw ay nasaktan.
Ito ang mga dahilan kung bakit hirap ang ibang mga tao na magpatawad.
Forgiveness gives you the feeling of beingSHORT-CHANGED.
Yung feeling mo na nalugi ka. Ikaw na nga nasaktan, ikaw pa ang magbibigay. Grabe naman, hindi ba naman siya lugi. Yung na, yun na ang feeling ng isang taong nagpatawad.
“Di ba dapat siya ang mag-sorry?”
“Ako pa ba ang lalapit at ang makikisuyo?”
Forgiveness is a sign of WEAKNESS.
“Bakit ako magpatawad, eh siya naman ang nagkamali!”
“Baka isipin pa niya na ako pa ang nagkamali.”
In our society, yung mga matatapang ay hindi nagso-sorry.
Para sa mga mahihina lang daw ang mag-sorry. They cannot take the heat, kaya sila ang bumibigay.
Forgiveness can only come when you FORGET.
Kahit ano man ang nagawa at nasabi ng isang tao na ikinasakit mo, hindi mo ito malilimutan. Kapag naaalala mo yan, kahit ito ay taon na lumipas, hindi mo pa rin malilimutan yung sakit at hapdi ng kanilang nagawa.
Forgiveness can come when they APOLOGIZE.
What if yung taong nakasakit sayo ay hindi mo kakilala at nakaaway mo lang sa parking?
What if kung talagang sobrang sama ng kanyang ugali at wala siyang planong mag-sorry?
What if kung wala na yung tao sa mundong ito?
Kung maghihintay lang tayo ng apology bago tayo mag patawad, ang tanong, paano na kung hindi ito dumating. Hindi mo kailangan hintayin bago ka magpatawad. At the end of the day, may choice tayo to do something about it.
Let me tell you the main reason why you and I need to learn how to forgive. Hindi dahil the person deserves our forgiveness, but because we deserve PEACE. As simple as that. Alam kong mahirap magpatawad, pero kailangan natin ito matutunan para hindi tayo maging BIKTIMA ng pagkakamali ng iba.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nakaka-relate ka ba sa blog na ito?
Ikaw, ano ang dahilan mo bakit hindi ka nakaka-move on?
Ano ang plano mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check these related posts:
- Unahan Mo Na Magpatawad
- Magpatawad ka Naman
- Why Should We Forgive 70 x 7 Times?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.