Inutusan ka ng nanay mo na maghugas ng pinggan, kaso tinatamad ka. Anong gagawin mo?
Sinabi ng boss mo na mag-errand ka sa bangko, kaso hindi na ito kasama sa job description mo. Anong gagawin mo?
Nakalagay sa traffic sign, “bawal tumawid”, kaso tinatamad kang umakyat ng footbridge. Anong gagawin mo?
Susunod ka ba o hindi?
One of the most difficult things to do in life is to obey or to submit to authority.
Why?
Bago ko sagutin ‘yan, let’s define authority first.
Sabi ni Mareng Merriam-Webster, “authority is/are person(s) in command”.
Take note of the word “command” in the definition.
Bakit isa sa mga pinakamahirap gawin ang pag-submit to authority?
WHEN PEOPLE IN AUTHORITY DO NOT FOLLOW THE LAW
May nagpapatupad ng batas, pero sila mismo ang sumusuway rito kung minsan.
They do not practice what they preach. Kaya minsan, nakakawalang-gana sumunod. “Bakit pa? Eh kung sila ay hindi sumusunod, bakit rin ako susunod?”
WHEN PEOPLE DO NOT WANT TO BE TOLD WHAT TO DO
Dahil sino ba naman ang gustong mautos-utusan?
Most of the time, gusto natin na tayo ang may control.
Ayaw nating magpa-ilalim sa command ng iba dahil may sarili tayong diskarte.
‘Yung iba, gustong mag-COC muna kaya ‘di masunod ang utos ni nanay.
‘Yung iba naman, gustong may kapalit na bayad sa lahat ng gawain kaya hesitant sa mga petty tasks na binibigay ng boss.
WHEN SOME PEOPLE ARE JUST PLAIN LAZY
Wala lang, tamad lang!
Tamad lang magtrabaho.
Tamad lang gumising ng maaga.
Tamad lang na tapusin ang mga dapat gawin.
Tamad lang na tumawid sa tamang tawiran.
Ano man ang dahilan natin kung bakit tayo nahihirapang sumunod sa kinauukulan, kailangan pa rin nating sumunod dahil ito ay magdudulot sa atin ng kabutihan at hindi ng kasamaan. Ito ay magbibigay sa atin ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Ito ay magdudulot ng pagkakaisa at hindi pagbubuklod.
Now it is time for us to…
THINK. REFLECT. APPLY.
Nahihirapan ka bang sumunod sa mga nakakataas sa iyo?
Ano ang mga dapat mong gawin para matuto kang sumunod?
Alin sa mga nasabi sa itaas ang pinaka-dapat mong tandaan sa pagsunod sa authority?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.