May pinautang ka na ba dati, pero noong sinisingil mo na, parang biglang nagka-amnesia?
Pwedeng:
- Nakalimutan na may utang siya sa iyo.
- Nagbayad na daw siya kahit hindi pa.
- Nagalit noong naniningil ka na.
You know, I came across this page na for sure madaming makakarelate. It says:
‘Pag nangungutang, ang BAIT.
‘Pag sinisingil, GALIT.
‘Pag hinahanap, NAGTATAGO.
‘Pag nakasalubong, LILIKO.
LAHAT ‘YAN AY TAMA!
Pilit man nating iniintindi dahil usually kaibigan o kamag-anak ang nanghihiram sa atin, meron talagang iba na gustong kalimutan nalang once upon a time na nangailangan sila at nanghiram ng pera.
Bakit kaya nagkaka-amnesia ang mga taong may utang?
WALA PANG PAMBAYAD
“Friend, baka pwede na akong maningil?”
“Huh? Bakit? May utang ba ako sa iyo? ‘Di naman ako nangutang, ah.”
Kahit naaalala pa nila ito, they will just keep it to themselves dahil wala pa silang pambayad. So, gagawa nalang sila ng dahilan o mangangako na sila ay magbabayad in the future.
PARA MAKATAKAS SA RESPONSIBILIDAD
Ang iba naman, wala talagang planong magbayad.
“Eh, close naman kami ‘nun. ‘Di na ako sisingilin ‘nun at malaki naman ng utang na loob niya sa akin.”
MA-PRIDE
Ang mga taong may amnesia sa pagbabayad ng utang ay ma-pride.
Hindi kasi nila matanggap sa sarili nila na may pinagkakautangan sila kaya para mapagtakpan ito, ang kanilang ‘NINJA MOVE’ ay subukang kalimutan o magpanggap na nakalimutan nila ito.
“Hindi ko ugali ‘yun, ah.”
“Ako? Bakit ako mangungutang? Eh, may pera naman ako.”
“Baka nagkakamali ka, never ako nanghiram sa iyo.”
“Grabe ka maningil, parang ikakagutom mo kapag hindi ka nakasingil.”
Hmmmm…easy, easy.
Sila na nga ang nangutang, sila pa ang nanglalait!
Ang pride nila, wala na sa lugar.
Sana, huwag nating hayaan na masira ang mga importante nating relasyon dahil lang sa pera. Huwag nating sirain ang tiwala na ipinagkaloob sa atin.
Matuto tayong makipag-usap o makiusap ng mahinahon kung kinakailangan.
Matuto rin tayong magpakumbaba na humingi ng panugit kung kapos ang ating pambayad.
Ultimately, ang utang ay isang responsibilidad na kailangan bayaran.
We should learn to be honest and communicate well with people whom we owe money with.
Maiintindihan ka rin naman nila, especially if they see that you are sincere, responsible, and humble.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, na-experience mo na rin bang magka-amnesia kapag may utang ka sa isang tao o may kilala kang ganito?
Anong gagawin mo para hindi mo na kailangan pang mag-dahilan?
Are you willing to save the trust and friendship that you have with someone whom you owe money with?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.