Ano ba ang ikinahihiya mo sa iyong buhay?
Nahihiya ka bang mag-recite dahil baka mali ang maisagot mo?
Nahihiya ka bang manligaw dahil mas nakakaangat sa buhay ang iyong gustong ligawan?
Nahihiya ka bang mag-offer ng iyong binebenta dahil baka tanggihan ka lang?
Nahihiya ka bang magtanong ng instructions kasi baka isipin na hindi ka ganun katalino?
Nahihiya ka bang mag-share ng iyong ideas kasi feeling mo hindi naman masyadong maganda ang mga ito?
Ang pagiging mahiyain ay isang malaking hadlang for us to become successful.
But the good thing is, pwede natin itong ma-overcome.
How?
By following these steps:
DISCOVER ITS CAUSE
Una sa lahat, kailangan maunawan ang UGAT ng pagiging mahiyain.
We need to deal with the roots kasi balewala kung tatanggalin lang natin ang mga dahon from the tree of shyness pero nanatiling malusog ang mismong mga ugat nito.
Isang madalas na rason ay TUMATAK ito sa iyong isipan mula ng ikaw ay bata pa. Sinabi ng iyong nanay, “Naku! Napakamahiyain talaga nitong batang ito.”
At kung ito ang madalas mong marinig, malamang ito ang pinaniniwalaan mo, at magiging TOTOO sa iyong buhay. Kaya kung ang rason ay dahil ito ay naitatak na sa isipan mo mula nang ikaw ay bata pa, unti-unti mo itong BURAHIN sa pamamagitan ng pagtatatak ng mga positibong bagay na gusto mong maging totoo sa buhay mo.
FIND YOUR STRENGTHS
Isang paraan para mabura sa isipan mo na ikaw ay mahiyain is by KNOWING your strengths.
Lahat naman tayo ay may kanya kanyang kakayanan. At hindi ginawa ni Lord na pare-parehas ang mga ito. Gaya na lang ng mga parte ng katawan, hindi niya ginawang mata mula ulo hanggang paa. Imagine na lang kung ganun, hindi magandang tingnan diba?
So kung hindi mo kayang magsalita sa harap ng maraming tao, ok lang yun. Baka naman talento sa pagsusulat ang IBINIGAY ni Lord sa’yo.
EDUCATE YOURSELF
At kung hindi ka pa ganun kagaling sa talento na ipinagkaloob sa’yo, ayos lang din yun. All you need to do is to MAKE TIME to train yourself.
Even before pa daw magsimula ang bawat official training, nagpa-practice na daw mag-shoot si Stephen Curry. And by the time na magstart na officially ang training, naka 100-150 shots na siya. familiar sa salitang “swish” sa basketball, ang ibig sabihin from Google ay, “sink (a shot) without the ball touching the backboard or rim.”
Ganun siya katindi mag”training. Before, during and after the official training, he is doing his BEST.
Kaya naman sa actual basketball game, he is CONFIDENT in every shot that he takes.
THINK. REFLECT. REPLY.
Ano ang root cause ng iyong pagiging mahiyain?
Alam mo na ba ang mga strengths mo?
Are you training yourself para ma-master mo ang iyong skills?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to step out? You can also check on these related articles:
- What Kids Can Teach Us About Shyness
- SHY KA BA?
- Bakit Ako Nahihiya Sa Sarili Ko?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.